^

PSN Showbiz

Enchong umaming pinagbigyan sa London ang anak ni Gretchen

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matatandaang huling nagkasama sina Enchong Dee at ang anak nina Gret­chen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique sa Star Magic Ball noong isang taon. Kamakailan ay muli raw nagkita sina Enchong at Dominique sa ibang bansa partikular na sa London nang magbakasyon ang aktor doon. Nasa London naman si Dominique dahil doon nag-aaral ang dalaga. “Yes, nagkita kami. Kasi after Star Magic ball sabi ko nga na may December plans ako to go to London. Sabi niya, ‘Oh my God you’re going to go there, we should see each other.’ Sabi ko, ‘Okay, game. Para someone can take us around.’ Ayun,” kuwento ni Enchong.

May mga bulung-bulungan ngayon na may espesyal na raw na namamagitan sa aktor at kay Dominique. “Wala, ano lang ‘yun. It’s more of a friendly night out tapos kasama pa namin si Gretchen. We went to Harrod’s (isang sikat na department store sa England), tapos dinala niya kami sa cookie bar na gusto niya. Wala naman,” paglilinaw ni Enchong.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ng aktor ang mga bagong proyekto na kanyang gagawin ngayong 2014. “Meron akong movie sa first quarter of the year with Star Cinema with someone that I’m really looking forward to working with. Tapos You’re my Home with Dawn Zulueta, Richard Gomez tapos we’re going to add additional cast pa,” pagbabahagi ng binata.      

AIAI gustong maging congresswoman

May plano raw talagang pasukin ang pulitika at tumakbo sa pagka-kongresista si AiAi Delas Alas kapag hihinto na siya sa pag-aartista. Ngayon kasi ay marami pa raw pinagkakaabalahan ang aktres kaya hindi niya muna pinagtutuunan ng panahon ang tungkol dito. “Huwag na muna habang busy pa ako sa showbiz. Hindi ko naman puwedeng pagserbisyuhan ang bayan ko nang hindi buo ang puso ko,” nakangiting pahayag ni AiAi.

“Talagang half-half ngayon pero kapag dumating tayo sa eighty percent service, at twenty percent show business, game na,” giit ni AiAi.

Pagdating naman sa usaping pag-ibig ay wala raw karelasyon ngayon ang aktres at ayon kay AiAi ay mas masakit raw ang naranasan niya noong isang taon sa naging asawang si Jed Salang kumpara sa naging relasyon niya sa unang asawa. “Ang sakit kasi sandali lang. Alam mo ‘yung dream mo, naputol kasi hindi nag-work,” pagtatapat ng aktres.

Samantala, kahapon ay naihatid na sa huling hantungan ang ina ng aktres na si Gloria Hernandez Delas Alas na pumanaw noong December 30 dahil sa Alzheimer’s disease. -Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                 

DAWN ZULUETA

DELAS ALAS

ENCHONG

ENCHONG DEE

GLORIA HERNANDEZ DELAS ALAS

JED SALANG

NASA LONDON

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with