2014, swerte o malas para sa Kapamilya Stars?

MANILA, Philippines - Tuklasin sa The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado (Enero 4) ang suwerte at kamalasang hatid sa mga Kapamilya stars ng Year of the Wooden Horse.

Alamin mula sa feng shui master na si Marites Allen ang kapalaran ngayong 2014 ng ilan sa mga pina­kapinag-uusapang showbiz personalities sa bansa tulad nina Kris Aquino, Coco Martin, Angel Locsin,  Robin Padilla, Anne Curtis, Gerald An­derson, at Dawn Zulueta? Matiwasay na ba ang bagong taon para sa Pilipinas? Tapos na ba ang hagupit ng mga kalamidad o may panibagong pagsubok na kaila­ngang paghandaan ang samba­yanan?

 

Show comments