Sayang dahil kung kailan napabalitang ikakasal na si Karylle sa soloista ng Sponge Cola ay saka naman natatameme si Christian Bautista kapag natatanong tungkol sa anak ni Zsa Zsa Padilla. Break na si Christian sa kanyang Singaporean model girlfriend na isa nang VJ sa isang local radio station. At dahil marahil sa may maganda silang past ni Karylle kung kaya inili-link na naman sila ngayon, ito ay sa kabila ng pangyayaring taken na si Karylle. Mas nakikita ang maganda nilang tandem na hinaÂhaÂngaan ngayon sa Cinderella the Musical. Habang hindi pa nakakasal si Karylle ay patuloy na aasa ang mga tagahanga nila ni Christian kung may mas maganda pang kauuwian ang kanilang relasyon.
Mother Lily gagawin uli ang shake… sa MMFF 2014
Sa naging tagumpay ng Pagpag na ko-prodyus ng Star Cinema at Regal Films, muÂling na-inspire ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na i-revive ang kanyang Shake Rattle and Roll sa MMFF 2014. Kung sakali, magiging 15th installment na ito ng kanyang horror franchise na sinuportahan din ng marami sa loob ng 14 na taon na naipalabas ito.
Biruin mo, kahit sa presence nina Vice Ganda at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival o MMFF ay naka-P150M pa rin ang Pagpag samantalang P250M na ang movie ni VG na Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Hindi na rin talaga mapasusubalian ang lakas ng following ng royal tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Martin at Jackielou ‘binalikan’ ang nakaraan
Magandang manood ng JeepÂney TV dahil kahit mga reruns ang napapanood dito ay malaking kasiyahan pa rin ang nakukuha ang mga manonood.
‘Yung episode ng Martin Late@Night nung mismong New Year’s day na kung saan ay guest ni MarÂtin Nievera si Jackielou Blanco was a revelation. May magandang nakaraan pala ang dalawa na masaya nilang inalala sa show. NaÂkaka-curious tuloy na isipin na kung ganun sila ka-close sa isa’t isa ay bakit hindi sila ang nagkatuluyÂan? Sa halip ay naging asawa ni Jackielou si Ricky Davao at si Martin naman ay si Pops Fernandez ang nakatuluyan. NaÂkakatuwang malaman kung paÂpaanong minsan habang hinihintay ni Martin na makauwi si Jackielou ay inayos niya ang buong kuÂwarto niya. Minsan din ay umuwi si Jackielou at naÂkitang punung-puno ng mga asul na lobo ang kanyang sasakyan. Nakakatuwang isipin kung ano ang nararamdamann ng kanilang mga ka-partners habang binabalikan ang alaala ng dalawa ang nakaraan. Obvious na may pagmamahal pa rin ang dalawa sa isa’t isa.
Isa pa ring programa na talaganag sinusundan ko sa Jeepney TV ay ang Keep On Dancing na hino-host ni Charlene Gonzales. Wish ko na magkaroon muli ng ganitong show, pero sino kaya ang puwedeng maging host nito?