Aiai iyak nang iyak pa rin!

Ngayong umaga ang libing ni Mrs. Gregoria Hernandez delas Alas, ang biological mother ni AiAi delas Alas. Ililibing ang nanay ni AiAi sa Eternal Gardens sa Baesa, Quezon City pagkatapos ng 8 a.m. mass sa Ascension Columbary.

Nagpunta ako kahapon sa burol ni Mommy Gregoria pero hindi naman kami nagpang-abot ni AiAi. Tinanong ko sa mga kamag-anak ni AiAi ang cell phone number nito pero not working ang mga numero na ibi­nigay nila sa akin. Mabuti na lang at may napagtanungan ako na nakakaalam sa contact number ni AiAi na naiiyak pa rin kapag napag-uusapan ang kanyang minamahal na biological mother.

Kumpirmasyon ni Kris kailangan!

Over acting ang fans ni Kris Aquino na pinakikiusapan siya na huwag lumipat sa GMA 7 dahil ika­lulungkot nila. Dyuskoday, bago kayo mag-emote hintayin n’yo muna ang kumpirmasyon ng may katawan. Hindi ‘yung react kayo nang react.

Bago kasi natapos ang 2013, kumalat ang tsismis na kiyeme-kiyemeng nabili ni Papa Manny V.  Pangilinan ang malaking shares ng GMA 7 at diumano’y si Kris ang napipisil niya na maging presidente ng Kapuso Network.

Super react ang fans. Kung anik-anik ang kanilang mga ikinakalat na reaksiyon at opinyon. Hintayin ninyo ang official announcement ng mga sangkot na tao at hindi nasasayang ang inyong mga pag-e-emote.

Kesyo isang TV sitcom na My Little Bossings ang unang project ni Kris kapag nag-ober da bakod siya sa GMA 7. Naikuwento kasi ni Kris sa presscon noon ng My Little Bossings na may offer sa kanya. Sinabi ni Kris na may isang TV network na interesado na gawin bilang sitcom ang pelikula nila ni Vic Sotto.
Hindi binanggit ni Kris ang name ng TV station kaya nagsanga-sanga na ang mga balita. Ikino-connect ngayon sa tsismis na lilipat si Kris sa GMA 7 ang pagkakaroon ng My Little Bossings sitcom.

Pamilya ni Boyet nage-effort pa-Batangas

Nag-celebrate ng Bagong Taon sa beach house nila sa Lobo, Batangas ang pamilya nina Sandy Andolong at Christopher de Leon. Enjoy na enjoy ang mag-anak kapag pumupunta sila sa Lobo dahil walang pollution dito at maganda talaga ang view. Minsan ko nang napuntahan ang beach house nina Boyet at Sandy na katabi ng mga beach house nina Amy Austria, Linggit Tan, at Gabby Concepcion. Effort ang pagpunta sa Lobo dahil may kalayuan ito pero maayos na maayos ang mga kalsada kahit bundok ang mga daraanan.

Paparating na bagyong Agaton kasing lakas daw ng Yolanda, dapat ipagdasal

Apektado ng climate change ang ating bansa at ang buong mundo. Ang latest, may malakas na bagyo na namumuo at may pangalan na Agaton. Maging handa tayo at magdasal dahil ang latest news na narinig ko, baka singlakas ng typhoon Yolanda ang Agaton na posibleng dumating sa Jan. 16 o Jan. 17. Hindi pa nakaka-recover ang ating bansa mula sa malaking pinsala na iniwan ng Yolanda kaya hindi makatarungan na makaranas uli ang ating bansa ng malakas na bagyo.

 

Show comments