MANILA, Philippines - Hoping si Matteo GuiÂdicelli na mas bongga ang kanyang 2014. Para sa kanya, amazing din ang 2013 dahil nga sunud-sunod din ang kanyang acting projects.
“2013 was filled up with ups and downs…But after all the downfalls, we get up and move forward STRONGER and better,†tweet ni Matteo.
Of course, naging makulay din ang personal life ni Matteo na kay Sarah Geronimo nali-link ngayon. Wala mang kumÂpirmasyong nagmumula sa dalawa kung may relasyon na sila, sapat na ‘yung wala taÂyong naririnig na mga reklamo na may mga taong laban sa lalaking malapit ngayon sa Pop Princess, huh!
Never din kasi umeksena si Matteo sa nakaraang concert ni Sarah kaya plus factor ‘yon upang hangaan din siya ni Sarah pati na parents niya.
Ang pagkakaroon ng boyfriend ang isa sa inaabangan sa showbiz kay Sarah. Kung boyfriend material si Matteo, girlfriend material din si Sarah, ’no?!
AiAi sa anak sumandal, nanay na namatay sa sosyal na simbahan ibinurol
Ang panganay na anak na si Sancho ang naging sandalan ni AiAi delas Alas sa kalungkutang nadarama sa pagkamatay ng ina niyang si Gregoria delas Alas nung unang gabi ng burol nito sa Ascension Chapel ng Arlington Memorial Homes sa Quezon City.
Ilang beses umiyak si AiAi na inaalo ng anak habang nagmimisa ang kaibigang si Father Eric Santos. Kahit nahahaluan ng comedy ang homily ng kaibigang pari, naiiyak pa rin ang aktres na yakap-yakap ng anak.
Eh madamdamin din ang pagkanta ni Fatima Soriano kaya lalong nakadama ng lungkot si AiAi.
Matapos ang misa ay biniro namin si AiAi at medyo nakakatawa na siya. Exclusive ang chapel na nilagakan ng mga labi ng kanyang ina. Paglabas kasi ng elevator ay ‘yung chapel na ang makikita na walang kasamang ibang patay.
“Yes, exclusive talaga siya para sosyal ang dating! Hahaha!†biro ni AiAi.
Two weeks nanatili sa Heart Center ang mother niya at madaling-araw ng Dec. 30 binawian ng buhay. Two years ago ay tatay naman niya ang namatay sa date na Dec. 31.
Bago kami umalis, nagpasaÂlamat si AiAi sa amin.
Sa Linggo ang libing ng moÂther ng Comedy Concert Queen at gabi-gabing may misa para sa nine-day novena. Eh sa katatanong ni Fr. Eric kung wala ba silang misa ni AiAi ng Jan. 1, hayun at obligado siyang nagmisa kahapon para sa ina ng kaibigan.
Muli, ang aming pakikiramay kay AiAi at sa pamilya niya.