^

PSN Showbiz

Aamin na kaya ngayong bagong taon? Relasyong Sarah at Matteo walang kumukontra

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hoping si Matteo Gui­dicelli na mas bongga ang kanyang 2014. Para sa kanya, amazing din ang 2013 dahil nga sunud-sunod din ang kanyang acting projects.

“2013 was filled up with ups and downs…But after all the downfalls, we get up and move forward STRONGER and better,” tweet ni Matteo.

Of course, naging makulay din ang personal life ni Matteo na kay Sarah Geronimo nali-link ngayon. Wala mang kum­pirmasyong nagmumula sa dalawa kung may relasyon na sila, sapat na ‘yung wala ta­yong naririnig na mga reklamo na may mga taong laban sa lalaking malapit ngayon sa Pop Princess, huh!

Never din kasi umeksena si Matteo sa nakaraang concert ni Sarah kaya plus factor ‘yon upang hangaan din siya ni Sarah pati na parents niya.

Ang pagkakaroon ng boyfriend ang isa sa inaabangan sa showbiz kay Sarah. Kung boyfriend material si Matteo, girlfriend material din si Sarah, ’no?!

AiAi sa anak sumandal, nanay na namatay sa sosyal na simbahan ibinurol

Ang panganay na anak na si Sancho ang naging sandalan ni AiAi delas Alas sa kalungkutang nadarama sa pagkamatay ng ina niyang si Gregoria delas Alas nung unang gabi ng burol nito sa Ascension Chapel ng Arlington Memorial Homes sa Quezon City.

Ilang beses umiyak si AiAi na inaalo ng anak habang nagmimisa ang kaibigang si Father Eric Santos. Kahit nahahaluan ng comedy ang homily ng kaibigang pari, naiiyak pa rin ang aktres na yakap-yakap ng anak.

Eh madamdamin din ang pagkanta ni Fatima Soriano kaya lalong nakadama ng lungkot si AiAi.

Matapos ang misa ay biniro namin si AiAi at medyo nakakatawa na siya. Exclusive ang chapel na nilagakan ng mga labi ng kanyang ina. Paglabas kasi ng elevator ay ‘yung chapel na ang makikita na walang kasamang ibang patay.

 â€œYes, exclusive talaga siya para sosyal ang dating! Hahaha!” biro ni AiAi.

Two weeks nanatili sa Heart Center ang mother niya at madaling-araw ng Dec. 30 binawian ng buhay. Two years ago ay tatay naman niya ang namatay sa date na Dec. 31.

Bago kami umalis, nagpasa­lamat si AiAi sa amin.

Sa Linggo ang libing ng mo­ther ng Comedy Concert Queen at gabi-gabing may misa para sa nine-day novena. Eh sa katatanong ni Fr. Eric kung wala ba silang misa ni AiAi ng Jan. 1, hayun at obligado siyang nagmisa kahapon para sa ina ng kaibigan.

Muli, ang aming pakikiramay kay AiAi at sa pamilya niya.

vuukle comment

AIAI

ARLINGTON MEMORIAL HOMES

ASCENSION CHAPEL

COMEDY CONCERT QUEEN

DIN

FATHER ERIC SANTOS

FATIMA SORIANO

HEART CENTER

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with