A very reliable source told me na tuloy na ang pagiging Kapuso ni Kris Aquino. Kulang na lamang daw ang pormal na pirmahan ng kontrata between the presidential sister and the GMA 7 bigwigs. In prinÂciple, panahon na lamang ang hinihintay para sa pagÂlipat ni Kris. Katulad nang nangyari kay Ogie Alcasid na hindi lamang isang taÂlent ngayon ng TV5 kundi isa ring namumuÂno sa isang malaking deÂparÂtaÂmento ng nasabing TV netÂwork ni Manny V. PangilÂinan, may malaÂking posisyon din na hahaÂwaÂkan si Kris sa GMA 7. Baka makapalit pa siya ng isang maÂtaas na executive na nakatakda nang mag-retire kasabay nang pagbabago ng pamunuan ng GMA.
Sa ngayon ay wala pang pag-amin o kumpirmasyon tungkol dito si Kris. Abala pa ito sa promosyon ng My Little Bossings na nangunguna pa rin sa box-office sa walong entry sa Metro Manila Film Festival 2013. Baka pagkatapos ng MMFF ay ito naman napipintong pagÂlipat niya ang pagtuunan niya ng pansin.
Vilma kinastigo si Toni sa pag-ayaw kay Luis noon
Hindi nahihiya si Luis Manzano na aminin na minsan ay binasted ni Toni Gonzaga ang panliligaw niya. Sayang at nung mga panahong ‘yun ay botong-boto kay Toni ang ina nito na si Gov. Vilma Santos. Nag-phone patch pa ito sa prograÂmang Minute to Win nang si Luis naman ang tumayong contestant habang si Toni naman ay panÂsaÂmantalang pumalit sa kanya bilang host ng show habang naglalaro si Luis. I’m sure ten feet tall ang pakiramdam ni Toni habang inuurirat siya ng masipag na gobernadora kung bakit niya tinanggihan ang anak nito.
Sayang din at hindi na siya mababalikan ni Luis dahil may Paul Soriano na siya at nakatakda na silang magpakasal sa taong ito? Walang sabit si Luis ngayon at wala ring kumpirmasyon kung nanliligaw siyang muli kay Angel Locsin o kay KC Concepcion.
MLB, hindi na pinag-iisip ang mga manonood
May mga nang-ookray sa My Little Bossings at sinasabing insulto raw sa mga Pinoy ang pelikula.
Huwag naman kayong ganyan. Wala namang nanood ng pelikula ang nagsabing hindi sila nag-enjoy sa kanilang panonood ng pelikula ng anak ni Kris Aquino at protege ni Vic Sotto na si Ryzza Mae Dizon. ‘Yung mga apo ko nga sa aking kapatid ay sabay-sabay na nanood ng nasabing pelikula bago pumunta ng burol ng aking ina at lahat sila ay masaya.
Entertainment lamang naman ang haÂnap nila at hindi mga lekÂsyon na kailaÂngan pa nilang pag-isipan.
Maraming salamat sa mga nakiramay…
Inihingi ko ng pagkakataon sa editor ng section na ito na pasalamatan lahat ng nakidalamhati sa akin at sa mga kapatid ko at sa pami-pamilya namin sa pagkamatay ng aking ina na si Josefa Cabal Rodriguez dalawang araw makatapos ang Pasko at inilibing namin isang araw bago ang bagong taon.
Salamat sa PMPC sa pamumuno ni Fernan de Guzman, sa mga dumalaw sa burol na sina Linda Rapadas, Letty Celi, George Vail Kabristante, Mel Navarro, Rodel Fernando, Mildred Bacud, sa lahat ng kaibigan at kapitbahay namin sa project 3 QC, kay QC mayor Herbert Bautista, Councilors Pinggoy Lagumpay and Bolet Banal, sa mga dating kasamahan ko sa Pilipino Star NGAYON (PSN) na sina Lanie Mate at Judy Serrano, Ms. Ethel Ramos, Emy Abuan-Bautista, sa mga miyembro ng CWL sa St. Joseph Parish Church, Virgie Balatico, sa pamilya Ong, Quijano, Rodriguez, Samio, Vargas, Vinas, Jarencio, Prudencio, sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa pamamagitan ng text, sa mga kapitbahay ko sa Apollo, North Olympus, sa inyong lahat, ang aking taos pusong pasasalamat.