Kris hindi na kayang tanggihan si MVP?!

Sa pagtatapos ng taong 2013 at sa pagpasok ng taong 2014, mainit na pinag-uusapan ang napabalitang paglipat ni Kris Aquino sa Kapuso Network. Hindi lamang bilang talent kundi bilang isang top executive, ang package offer is something na hindi raw matatanggihan ng presidential sister. For sure, hindi rin ito pababayaan ng ABS-CBN na definitely ay magbibigay ng kanilang counter-offer sa tinaguriang Queen of All Media. Anuman ang sabihin ng iba, iba ang hila at charisma ng bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino bukod pa siyempre na ito’y matalino at may pinag-aralan talaga.

Nasa guessing game ang lahat ngayon kung tatanggapin o hindi ni Kris ang alok sa kanya ng business czar na si Manny V. Pangilinan at ng GMA Network, Inc. na umano’y sigurado nang papasukin ni MVP kahit meron na siyang TV5. Nagpahayag din noon si Kris na malamang na pasukin din niya ang public service in 2016 at hands down na ito’y mananalo sa anumang posisyon na kanyang tatakbuhan.

Although may bearing ang pagiging dating presidential daughter at ngayon ay pagiging presidential sister, on her own ay kayang-kaya ni Kris tumayo sa sarili niyang merito.

Samantala, hindi aware ang marami na ang TV career ni Kris ay nagsimula sa bakuran ng GMA dahil sila ni Boy Abunda ang original hosts ng long-running showbiz-oriented talk show na Startalk bago sila lumipat ng ABS-CBN to host their own showbiz talk show na The Buzz na nung isang taon lamang ni-reformat at ginawang Buzz ng Bayan. Tanging si Boy lamang ang original host ng programa na nagkaroon ng iba’t ibang co-hosts magmula nang ito’y lisanin ni Kris to host her own TV show, ang daily morning  magazine show na Kris TV.

Kapag tinanggap at natuloy ang pagiging top TV executive ni Kris, tiyak na magkakaroon ng bagong landscape ang TV network na kanyang lilipatan. In the meantime, wait and see ang lahat sa magiging final move ng TV host-actress na diumano’y expired na ang kontrata sa ABS-CBN na naging tahanan niya for so many years.

Ang tanong, will Gabby Lopez and Charo Santos-Concio let go of their prime star? Abangan!

Boy Abunda maggo-governador ng Samar

In two years’ time ay papasukin ng King of Talk na si Boy Abunda ang pulitika tulad ng kanyang yumaong amang si Eugenio Abunda, Sr., ang kanyang inang si Nanay Lising, at kaisa-isang kapatid na si Fe Abunda, ang kasalukuyang mayor ng aming hometown na Borongan, Eastern Samar. Ipinaalam na ni Boy ang plano niyang pagtakbo sa pagka-gobernador ng Eastern Samar sa taong 2016. Kahit sa isang national post ay kayang manalo ni Boy pero gusto niya munang matulungan at mapaunlad ang buong Eastern Samar na paboritong destinasyon ng bagyo taun-taon.

May usapan ang best friends na sina Kris Aquino at Boy na kapwa nila papasukin ang public ser­vice sa taong 2016. Pero kapag tinanggap ni Kris ang top post ng isang TV network, malamang na magbago ang kanyang mga plano pero ang lahat ay nakasalalay sa kanyang magiging final decision.

Show comments