Naging malungkot ang pagtatapos ng taon para kay AiAi Delas Alas. Kahapon ng umaga ay kinumpirma ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na pumanaw na ang kanyang inang si Gloria Hernandez na matagal ding nakipagsapalaran sa Alzheimer’s disease. Matatandaang inampon si AiAi ng kanyang tiyahing si Justa na kapatid naman ng kanyang amang si Rosendo.
“DEAR INAY, kahit ngayun na lang na may Alzheimer ka na, na kahit hindi mo na ako nakikilala masaya ako kasi nakapiling kita.. naramdaman ko na mayakap ka mahalikan at maalagaan kahit konte… alam ko nung kinuha ako sayo nung baby pa ko nagkasakit ka ng tatlong bwan sa lungkot… ngayun ako naman ang nalungkot kahit alam kong kasama ka na ng ating Panginoon.. sobra kitang mami miss.. sobra ka naming mami miss pati mga followers ko na inaabangan ka sa IG lahat ng mga cute moments naten.. mahal na mahal kita nay,†mensaheng nai-post ni AiAi.
“Kanina nung nag mir ka ang sarap ng pakiramdam ko na nagkasama tayong 2 lang sa loob yun na pala yun… pahinga ka na nay alam kong napagod ka na ng ilang araw…happy new year.. kahit wala ka na alam ko makikita mo kami na magdiriwang sa pagpasok ng bagong taon kasama mo na si tatay magkikita na kayo… 2 years ago ganito din yun….
“PAALAM SA NAGBIGAY SAKEN NG BUHAY… MARAMING SALAMAT NAY… Mahal na mahal kita,†dagdag pa ng aktres.
Kris at mga anak, sa London nagse-celebrate ng tagumpay ng pelikula ni Bimby
Kasalukuyang nasa London ngayon si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Nagbakasyon daw ang mag-iina sa Europe upang saÂÂlubungin ang Bagong TaÂon at ipagdiwang na rin ang tagumpay ng pelikula nina Kris at Bimby na My Little Bossings. “Pangako ko sa dalawang anak ko ang London. Maswerte lang na may mga friends kami. Si Bea (Alonzo) and si Zanjoe (Marudo) nandoon so magkikita kami. Nag-book na ako ng limang play kasi ‘yun kaligayahan namin, manood ng theater,†nakangiÂting pahayag ni Kris.
Kamakailan ay pumunta ang aktres sa Manaoag upang magpasalamat dahil naging matagumpay ang kanilang pelikula na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. “Napa-drive ng six hours to go to Manaoag para lang makapagpasalamat ako. Kasi sa totoo lang, pinagdasal ko na 30 million kasi ‘yun ang kinita ni Bong and Vic last year. And nagkaaminan kami ni Vic, na ‘Alam mo, ayaw ko na mapahiya sa ‘yo, na ‘yung pag-partner mo sa akin, baka hindi mapantayan ‘yung last year,†kuwento ni Kris. “Tapos sabi ni Vic, “Sige puwede na ako umamin, takot din ako na baka ‘yung maliit, natutuwa lang ‘yung tao pero hindi gagastos para panoorin.’ Hindi namin talaga inaasahan (na malaki ang kikitain ng pelikula),†dagdag pa ng Queen of All Media.
-Reports from JAMES C. CANTOS