^

PSN Showbiz

Pacman nagdurusa sa ginawang pambobola ng mga tao sa kanyang paligid!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang pagkakaroon ng problema sa IRS at BIR ang pinakamalaking pagsubok na naranasan ni Papa Manny Pacquiao ngayong 2013.

Nanalo nga siya sa laban nila ni Brandon Rios pero kulang naman ang napanalunan niya sa laki ng mga sinisingil sa kanya ng BIR at ng IRS.

Dapat nang maging maingat si Papa Manny sa pananalapi. Pakinggan at sundin niya ang mga payo sa kanya na humanap ng mga tao na mapagkakatiwalaan. Maging matalino siya sa paghawak ng pera dahil sayang naman kung mapupunta sa wala ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan na literal na galing mula sa pawis, luha at dugo.

Huwag siyang magdalawang-isip na dispatsahin ang mga tao sa kanyang paligid na walang ginagawa kundi ang eklayin siya. Nang-eeklay na nga, ba­yad pa ang kanilang mga pambobola sa Pambansang Kamao.

Torotot pampalakas ng baga

Mag-ingat sa paputok at huwag nang magpa­putok ang payo ko sa mga pasaway na ayaw pa­kinggan ang paulit-ulit na reminder ng Department of Health.

Ngayong gabi pa lang aabangan ang pagpasok ng 2014 pero marami na ang mga kaso ng mga bata at matatanda na isinugod sa ospital dahil nasu­gatan sa pagpapaputok.

Taun-taon, hindi nagkulang ng paalaala ang Department of Health at ang Philippine National Police na huwag nang magpaputok. Ang kaso, likas na matigas ang ulo ng ilan sa mga kababayan natin na hindi marunong makinig pero sising-sisi sa bandang huli dahil naputulan na sila ng mga daliri at nawalan ng mga paningin.

Puwede naman na salubungin ang Bagong Taon sa ibang paraan. Sundin natin ang suggestion ni Kim Atienza na gumamit na lang ng torotot dahil makakatulong pa ito para lumakas ang ating mga baga.

Ang bumalik ang sigla ng movie industry, tumaas pa lalo ang ratings ng Startalk, more datung at good health ang aking mga New Year’s wish para sa lahat.

Health is wealth kaya dapat nating alagaan ang ating sarili. Dumami pa sana ang mga pelikula para magkaroon ng trabaho ang mga movie worker. Kumbinsido ako na kapag maganda ang movie project, pipilahan ito sa takil­ya kaya wish ko lang, mga de-kalib­reng pelikula ang gawin ng mga movie producer.

Wish ko rin na huwag magsawa ang dear rea­ders sa pagsuporta sa mga diyaryo ng Star Group of Companies, ang Philippine Star, Pilipino Star NGA-YON, PM, The Freeman, at Banat. Walang kinikilingan at walang pinoproteksiyonan ang mga pahayagan ng Star Group of Companies.

Ryzza at Papa Mike malakas ang chemistry

Hindi ako magtataka kung magkaroon ng replay ang Look Up, Look Up, ang yearend review ng GMA News and Public Affairs.

Maganda ang feedback sa Look Up, Look Up dahil tuwang-tuwa ang lahat sa tandem nina Ryzza Mae Dizon at Mike Enriquez.

Aliw na aliw ang televiewers sa Miguel na tawag ni Ryzza Mae kay Papa Mike. Kung malakas  ang on-screen chemistry nina Ryzza at Bimby Yap, mas malakas daw  ang  chemistry ng Aling Maliit at Papa Mike.

Bilib na bilib kay Ryzza ang mga nanood ng Look Up, Look Up dahil nakipagsabayan siya kay Papa Mike. Walang buckle ang pagde-deliver niya ng mga linya at parang updated na updated siya sa current events.

Si Ryzza na nga ang bagong child wonder at mahirap nang mapantayan ng ibang mga child star ang kanyang achievements.

Salamat sa mga nagpasaya ng pasko ko...

Maraming salamat sa mga nakaalaala sa akin noong Pasko dahil sa mga regalo na ipinadala nila sa akin at sa mga hindi pa nagpapadala, tatanggap ako ng regalo hanggang January 6. Kapag hindi ninyo naipadala, sorry na lang dahil nawalan kayo ng chance  na mabati ko kayo.

A million thanks kina Papa Mi­guel Belmonte, Dra. Vicki Belo ng Belo Medical Clinic, Rubby Sy ng Flawless, Mang Erning Lim ng Ultra Mega,  Papa Manny Villar and Senator Cynthia Villar, Willie Revillame, Mama Fely dela Cruz, Joey Santos ng House of Obagi, Joey Santos ng Stem Cell Therapy, GMA 7, ABS-CBN, Christopher de Leon and Sandy Andolong, Lorna Tolentino and kids, Tirso and Lynn Cruz, Amy Austria, Congressman Alfred Vargas, TAPE Inc., Dingdong Dantes and Marian Rivera, Mama Che delos Reyes ng Beauche, Michelle Ortega and Robert Ortega, Boy Abunda, at Tonton Gutierrez.

Sa susunod na lang ang second batch ng mga pasasalamatan ko. Happy New Year!

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

JOEY SANTOS

LOOK UP

PAPA

PAPA MIKE

RYZZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with