Mga biktima ng pang-aabuso kukumustahin ni Julius

MANILA, Philippines - Sasariwain ni Julius Babao ang ilan sa mga pinakamalaking exposé na naisawalat nito sa taong 2013 at aalamin kung paano nito nabago ang buhay ng mga biktima ngayong Lunes (Disyembre 30). 

Ilan lamang sa mga pinakamatagumpay na operasyon nito na nagbigay pag-asa sa ilang mga naaapi ay ang dalawang magkaibang kuwento ng dalawang menor na parehong nakaranas ng paulit-ulit panggagahasa sa kani-kanilang ama, at ang istorya ng biktima ng hit and run na naputulan ng paa dahil sa tindi ng aksidente.

Kumusta na kaya ang tatlong kababaihang ito matapos makamit ang hustisyang inaasam? Paanong nagbago ang kani-kanilang buhay matapos silang maayudahan ng programa?

Alamin ang mga kasagutan sa Bistado kasama si Julius Babao, ang katuwang ng pamilya sa seguridad at proteksiyon, ngayong Lunes (Disyembre 30), 4:45 p.m., sa ABS-CBN.

Para sa updates sa programa, i-like ang www.facebook/ BistadoTV o i-follow ang @BistadoTV. Para naman sa mga reklamo at sumbong, maaari itong idulog sa hotline na 414-2539 at i-text ang Bistado (space) (message) at i-send sa 2327 para sa Globe subscribers at sa 0917-8902327 para sa ibang network.

 

Show comments