Mga sikat na foreign movies itatapat ng GMA sa mga teleserye
MANILA, Philippines - Simula Lunes (Disyembre 30), gabi-gabi nang mapapanood ang mga paboritong foreign movies tampok ang mga boses ng mga Kapuso artists sa Kapuso Primetime Cinema.
Mapupuno ng aksyon ang inyong gabi pagdating ng Lunes dahil sa American superhero film na Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer. Bibigyang buhay ang mga karakter ng mga boses nina Enzo Pineda, Lauren Young, Hiro Peralta, at ang Kapuso Heartthrob na si Alden Richards.
Pagsapit ng Martes, hindi dapat palampasin ang kulitan handog ng animated movie na Alvin and The Chipmunks: Chipwrekced kung saan gagampanan ni Benjamin Alves ang boses ng karakter ni Dave Seville.
Pinagbibidahan ni Will Ferrell, abangan sa MiÂyerÂkules ang boses ni Mike “Pekto†Nacua sa Christmas comedy film na Elf. Sundan ang kuwento ng isang elf sa kanyang paghahanap sa tunay sa ama sa New York City.
Tuluy-tuloy ang tawanan hanggang Huwebes dahil sa pelikulang Tooth Fairy. Abangan ang boses ni Mike Tan na gaganap sa karakter ng hockey player na si Derek Thompson.
Sa direksiyon ni Chris Columbus, tampok sa Biyernes ang mga boses nina Jake Vargas, Ken Chan, at Julie Anne San Jose sa fantasy movie na Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief.
Mapapanood ang Kapuso Primetime Cinema gabi gabi simula Lunes pagkatapos ng Adarna sa primetime block ng GMA.
- Latest