MANILA, Philippines - Bilang year-ender o pagsasara ng 2013 ay pinili ni Mader Ricky Reyes ang mga magagandang episode ng Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) para ipalabas ngayong Sabado alas-nuwebe ng umaga sa GMA News TV.
Itatanghal ang mga iba-ibang estilo ng damit at accessories sa mundo ng fashion. Ipakikita rin ang iba-ibang gupit at ayos ng buhok na kinahiligan ng mga lalaki’t babaeng Pinoy.
Siyempre, meron ding mga pampaganda, pampabata at pampalusog na sistemang teknikal. At ang mga ino-offer sa Gandang Ricky Reyes Salon na Magic Eyelash at pelukang gawa sa tunay na buhok ng tao.
Mapapanood din ang mga sikat na celebrities na nag-guest sa GRR TNT tulad ng GMA Primetime Queen na si Marian RiÂveÂra, ang mag-inang Maria Isabel at Mara Lopez, ang tinangkilik ng televiewers na tandem na TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Pati na mga finalist ng Ms. Earth Philippines at ang nagwaging 2013 Miss Earth.
Nagpapasalamat ang ScriptoVision, producer ng programa, sa patuloy ninyong pagtangkilik kasabay ang pangakong magbigay ng mga makabuluhang isyu tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kaunlaran.