Kaleidoscope tanggal sa mga sinehan

Kung ang pelikulang My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino ang nanguna sa takilya sa pagbubukas ng ika-39th Metro Manila Film Festival noong araw ng Pasko, ang pelikulang Kaleidoscope World na pinagbibidahan ng mga bagitong sina Sef Cadayona at Yassi Pressman at produced ng iAct Productions ang siya namang nangulelat sa walong official entries ng MMFF. Base sa poster ng pelikula, ang Kaleidoscope World, ito ang 1st ever Hip-Hop Dance Musical Film, a love story inspired by the music of Francis Magalona.

Ang nakakalungkot lamang, hindi na umano nakumpleto ang screening sa mga sinehan na pagpapalabasan sana ng Kaleidoscope World dahil walang tao kaya nag-first day-last day ito sa halos lahat ng mga sinehan sa unang araw pa lamang ng palabas.

Malamang na naipamahagi na ang mga sinehan ng Kaleidoscope World sa malalakas na pelikula tulad ng My Little Bossings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag at Kimmy Dora.

Hindi pa man nagsisimula ang filmfest ay alam na ng lahat na ito ang ma­ngungulelat sa takilya na nakakalungkot naman para sa mga bida at kasama sa pelikula, ang kanilang director at maging ang producer na siyang namuhunan para mabuo ang pelikula.

Samantala, sulit ang pagod ng mga bida ng My Little Bossings na siyang nangunguna ngayon sa takilya. Pero gaano kaya katotoo ang nakarating sa aming balita na tight umano ang laban ng My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda?

Ganunpaman, kung alinman sa dalawang pelikulang nabanggit ang ma­nguna at pumangalawa sa pagtatapos ng filmfest, pareho pa rin silang winner in terms of revenue receipts. Nakabawi na rin ang Pagpag at Kimmy Dora na maintained sa kanilang Nos. 3 & 4 positions.

Parehong Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang magkahiwalay na pelikula nina Robin Padilla at E.R. Ejercito, ang 10,000 Hours na dinirek ni Joyce Bernal at ang Boy Golden: Shoot to Kill na dinirek ni Chito Roño na nasa magkasunod na puwestong No. 5 & 6 at nanatiling No. 7 ang pelikulang pinagbibidahan ni Rocco Na­cino, ang Pedro Calungsod: Ang Batang Martir  mula sa panulat at direksiyon  ni Francis O. Villacorta.

Kagabi (Dec. 27) ang Gabi ng Parangal ng MMFF na ginanap sa Meralco Theaters.

Christmas wish ni Charice hindi natupad

Hindi nangyari ang inaasahan ni Charice Pempengco na pagbabati nila ng kanyang inang si Raquel Pempengco nung nakaraang Pasko dahil hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ina sa kanyang anak na may ki­nalaman sa pakiki­pagrelasyon nito sa singer na si Alyssa Quijano.  Sinabi ni Raquel na kung bukal si Charice sa kanyang intention na makipagbati sa kanya, magagawa raw nito dahil alam naman daw ni Charice kung saan siya nakatira at pati mobile number.

Kung magagawang patawarin at tanggapin muli ni Raquel ang kanyang anak na si Charice, kakaiba naman ang kanyang reaction sa ka-relasyon nito na si Alyssa.  Mahal ni Charice ang kanyang ina at mahal din niya si Alyssa kaya ipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato.

Ganunpaman, dalangin pa rin ng singer na sa­na’y magkabati sila ng kanyang mommy at tang­gapin na rin nito sa ka­nilang pamilya ang mahal niyang si Alyssa.

Vice umaasa pa sa maraming biyaya

Hindi ikinakaila ni Vice Ganda na ang pelikulang  Girl, Boy, Bakla, Tomboy ang pinakamaganda at pinaka­mahirap na pelikulang kanyang ginawa at ito’y dahil na rin sa kanyang pagganap ng apat na magkakaibang character bilang isang babae, lalake, bakla at tomboy. Sa apat na cha­racter, sa tomboy siya nahirapan.

Kung naging very productive ang taong 2013 kay Vice Ganda, umaasa siya na magpapatuloy ang ma­ga­gan­dang pangyayari sa kanyang career sa papasok na taon.

Pakikiramay

Personal:  Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na naulila ni Remedios `Remy’ Rigonan-Zacarias na sumakabilang buhay nung umaga ng December 26 sa Philippine General Hospital dahil sa komplikasyon na may kinalaman sa kanyang sakit na cancer.

Si Remy ay mas kilala sa taguring Pipay at isa sa tatlong loyal secretaries ng Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno. Ang dalawa pang secretaries ni Kuya Germs ay sina Carmelites `Bru’ Rigonan at Chuchi Fajardo.

Ang mga labi ni Remy alyas Pipay ay nakahimlay sa Immaculate Heart of Mary Church malapit sa Claret School, Sikatuna Village, Quezon City.   Ang libing ay nakatakda sa December 29.

Show comments