Lola Basyang, pamaskong handog ng Star City

MANILA, Philippines - Huwag na huwag palalampasin ang pinakamatagumpay na ballet sa taong ito – ang Tatlo Pang Kuwento ni Lola Bas­yang, na itatanghal ng buong pangkat ng Ballet Manila sa pamumuno ni Lisa Macuja-Elizalde. Bilang bahagi ng Pa­maskong Handog ng Star City, itatanghal sa Aliw Theater ang engrandeng palabas na ito na libre para sa mga bibisita ng Star City gamit ang ride-all-you-can tickets na nagkakahala­gang P420 o maging sa karaniwang entrance-only admission sa halagang P65. 

Ang Tatlo Pang Kuwento ni Lola Bas­yang na nakapagpasaya na ng mahigit isandaang libong tao ay halaw sa mga sinulat ni Severino Reyes na nilimbag ng Anvil Pub­lishing: Ang Palasyo ng mga Du­wende, Labindalawang Masa­yang Prin­sesa, at Anting-An­ting. Tampok sina Luz Fernandez at Missy Macuja Elizalde, pupukawin nito ang imahinasyon ng manonood, salamat sa masu­sing direksiyon ni Roxanne Lapus.  

Nauna na itong itinanghal noong Pasko at mapapanood pa itong hanggang Dec. 30 (6 p.m.) at sa Jan. 1 (4 p.m. at 8 p.m.).  

Ang palabas ay tatakbo ng isa’t kalaha­ting oras at tuluy-tuloy nang walang intermission.     

 

Show comments