Dinalaw ako ng inaanak ko sa kasal noong Pasko kasama ang kanilang tatlong anak. Maya-maya ay dumating ang ina nito na napag-alaman kong naninilbihan bilang katiwala sa isang mayamang angkan na ang anak na babae ay napaÂngasawa ng komedyante.
Tinanong ko ang ginang kung ano ba ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Battered wife ba ang babae?
Say ng misis, ‘‘Sobrang selosa kasi si Misis na madalas nilang pag-awayan ng kanyang aktor na Mister. Konting kibot, selos nang selos. Hindi siya battered wife kundi siya nga ang nananakit kay Sir kapag nagseselos at nag-aaway sila,’’ sabay tawa ng source ko.
May kanya-kanya nang buhay ang showbiz couple pero wala pang sabit si Mister at may bago nang pamilya si Misis.
Multi-awarded filmmaker na Pinoy sanay na sa Hollywood pictures
Isang matagumpay na Filipino filmmaker si Direk Benito Bautista na pabalik-balik mula California, USA at Pilipinas para ipabatid ang kanyang mga pelikula.
Nagtrabaho ito sa maraming independent film production sa US at Manila kabilang na sa Direk Gus Van’s Oscar-nominated film na MILK na tinampukan nina Sean Penn at James Franco. Siya ang director ng award-winning documentary film na The Gift of BaÂrong, a Journey From Within na ngayon ay bahagi ng Stanford University’s Program for International Cultural Education.
Ang unang feature narrative film ni Direk Benito na Boundary ay ang NETPAC best winner sa Cinemalaya Independent Film Festival 2011. Ang Boundary din ang nanalong grand jury award for best feature sa Guam International Film Festival noong 2012 at naging nominado ang magaling na direktor sa kaparehong pelikula sa Gawad Urian Awards noong 2012 din.
Siya rin ang nagdirek ng internationally acclaimed documentary film na Harana, The Search For the Lost Art of Serenade na nanalo ng maraÂming awards mula sa international film festival kabilang ang Hawaii International Film Festival noong 2012 at nagkaroon ng premiere sa Busan International Film Festival noong isang taon din. At ngayon, si Direk Benito rin ang direktor ng Mumbai Love na malapit nang ipalabas tampok sina Solenn Heussaff at Kiko Matos mula sa Capestone Pictures, Inc. at iri-release ng Solar Entertainment.