^

PSN Showbiz

FHM cover ni Marian gagamitin sa ibang Asian countries

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

“Whoaaah! I’m at the cover of Thailand’s FHM Jan 2014 issue. I am so honored,” reaction ni Ma­rian Rive­ra nang malamang siya ang cover ng men’s magazine sa Thailand. Hindi siya nagpunta sa Thailand para mag-pictorial dahil ang ginamit na cover pic­torial niya ay cover ng last FHM cover niya noong January 2013.

Balita ring lalabas ang the same cover ni Marian sa iba pang bansa sa Asia at ‘pag nangyari ito, madadagdagan ang saya ng aktres. Dahil January 2014 ang issue ng maga­zine sa Thailand, ibig sabihin, ngayon pa lang, mabibili na ang FHM.

May haters si Marian na nagsasabing recycled lang ng Philippine edition ang Thailand FHM pero hindi na ito importante lalo na sa fans ng aktres. Mag-i-enjoy ang bibili ng magazine sa ganda ng pictorial nito sa loob.

Samantala, after ng holidays, tuluy-tuloy na ang taping ni Marian ng Carmela dahil Jan. 27 na ang airing nito. Pinapa­labas na ang teaser nito at sila pa lang nina Alden Richards at Agot Isidro ang ipinapakita.

Jasmine ipinasok na sa dementia ni Nora, pangarap natupad

Matutupad ang dream ni Jasmine Curtis Smith na makasama sa pelikula si Nora Aunor dahil silang dalawa ang bida sa Dementia, ang first directorial job ni Perci Intalan, line-produced ni director Jun Lana at produced ng Studio 5, ang movie arm ng TV5.

Ayon kay Ferdy Lapuz na involved sa pelikula, kundi end ng February, sa first week ng March sisi­mulan ang shooting ng pelikula. Hindi pa lang alam kung kailan ang playdate at kung sino ang ibang kasama sa cast. Sa na-post na picture sa Facebook, wala kaming nakitang artista.

Naalala namin ang sagot ni Jasmine noong mag-renew siya ng kontrata sa TV5 sa tanong kung sino ang gusto pa niyang makatrabaho at na­banggit si Nora. Alam daw niyang marami siyang matututunan sa Superstar at kakaibang wor­king experience ‘yun. Tiyak na gusto nang mag-shooting ng young actress.

Alden at Louise sa iisang lugar lang nakatira

Pareho palang sa Eastwood sa Quezon City na nakatira ang magka-love team na Alden Richards at Louise delos Reyes pero hindi sila live-in ha! Magkaiba sila ng condo unit at baka pati condo building at baka nga hindi sila nagkikita dahil parehong busy.

Si Alden magiging busy sa taping ng Carmela at si Louise sa taping ng Kambal Sirena na parehong primetime. Mauuna ang airing ng soap ni Alden at susunod ang soap ni Louise.

Naalala naming nabanggit ni Alden na kaya siya kumuha ng condo unit dahil binaha ang bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna at lumipat sila ng bahay habang ipinapaayos ang bahay.

Sa boyfriend naman ni Louise na si Enzo Pineda namin nalamang gustong maging independent ng kanyang girlfriend kaya nagsarili at pinayagan naman ng parents, lalo na ng mother nito. Sabi pa ni Enzo, yaya at driver lang ang kasama ni Louise sa condo pero madalas niyang dinadalaw at tinuturuan pang magluto.

Robin at Rommel nagpasko sa Tacloban

Si Robin Padilla at kapatid nitong si Rommel Padilla ang latest celebrities na bumisita sa Tac­loban City. Sa nakita naming instavideo na naka-post sa Instagram ni Robin, kita ang tuwa ng mga Tac­­lobanon sa pagdating ng magkapatid noong Dec. 25.

Ang daming pictures sa IG ni Robin sa kanyang Tac­loban visit na hindi alam ng media. Pinuntahan nito ang ilang tourist spots ng siyudad gaya ng Sto. Niño Shrine at ang MacArthur Landing sa Palo, Leyte.

Kahit umuulan sa Tacloban, mainit pa ring sinalubong ang aktor ng mga Waray na tuwang-tuwang makita siya in person.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pang ba­lita kung pang-ilan sa box-office ranking ang 10,000 Hours, entry ni Robin sa filmfest. Hindi pa man showing dati, nabanggit ng mga producer nitong si­na Neil Arce at Boy 2 Quizon na naniniwala sila sa word of mouth na pinakamagandang promo ng movie.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

CARMELA

DAHIL JANUARY

ENZO PINEDA

FERDY LAPUZ

SHY

TAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with