SEEN: Nangunguna pa rin sa box-office ang My Little Bossings sa paÂngalawang araw kahapon ng 39th Metro Manila Film Festival.
Pangalawa ang Girl, Boy Bakla, Tomboy at pangatlo ang Pagpag: Siyam na Buhay.
SCENE: Natupad noong Pasko ang pangarap ni Ryzza Mae Dizon na makilala nang personal si President Noynoy Aquino.
Isa na lang ang hindi pa natutupad, ang pangarap ni Ryzza na maging guest si Pangulong Aquino sa kanyang programa, ang The Ryzza Mae Show.
SEEN: Ang pagbisita ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla sa mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban City noong Pasko.
Namigay ng pera si Robin sa typhoon Yolanda survivors.
SCENE: Ang rare Christmas photo ni Edu Manzano at ng kanyang mga anak na sina Luis, Zo, at Addie.
SEEN: Ang trailer ng ABNKKBSNPLAKo na ipinakikita sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng 10,000 Hours at Boy Golden.
Pelikula ng Viva Films ang ABNKKBSNPLAKo na tinatampukan nina Jericho Rosales at Andi Eigenmann.
SCENE: May Christmas family reunion ang mga Ejercito sa bahay ni Manila City Mayor Joseph Estrada.
SEEN: Tahimik ang pag-uwi ni Megan Young sa Pilipinas dahil dito siya nagdiwang ng Pasko, sa piling ng kanyang pamilya.
SCENE: Nagluluksa si Ara Mina dahil sa pagpanaw noong Pasko ng kanyang lolo, si former Quezon City Mayor Ismael Mathay, Jr.:
“Today heaven has gained another angel. I will treasure the memories I have of you. You were one in a million, a great leader and most importantly the greatest loving, and caring grandfather to all of us. Thank you for all the love. We love you lolo! We will truly miss you.â€