Bimby ikinahihiya ang apelyido ng ama?!

Nakalulungkot naman para kay James Yap na hindi ginamit ng anak niyang si Bimby ang apelyido niya sa first movie nito. Apelyido ni Kris na Aquino ang nakalagay sa streamers, posters, and tarpaulins para sa filmfest entry na My Little Bossings.

Hindi pa siguro alam ito ni James at kung alam man niya ay hindi ito magiging dahilan para hindi siya humilera sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila para makunan lamang ng larawan si Bimby habang dumaraan sa kinalalagyan niya ang sinasakyan nitong float. Nag-lunch sa isang hotel doon ang sikat na basketbolista kung kaya na-witness nito ang parada.

Sana ay ipinagpatuloy na lang ni Kris ang paggamit ng anak ng apelyido ng ama nito. If James does not mind, lalo na si Bimby dahil sikat naman na personalidad ang ama niya at hindi naman siya nito itinatakwil. Katulad ng Aquino, ipagkakapuri ni Bimby ang apelyido ng kanyang ama.

Hindi niya kasa­lanan kung anuman ang kinahinatnan ng marriage ng kanyang mga magulang pero hinding-hindi siya dapat mag-suffer dahil dito. At hindi rin dapat ipagbawal sa kanya na gamitin ang pangalan nito kahit pa ng kanyang ina.

Toni naghihintay nang alukin ng kasal

Hindi mo naman masisisi si Toni Gonzaga kung after five years ng pakikipagrelasyon sa kanyang boyfriend na si Paul Soriano ay naisin na niyang magpakasal dito.

Kilala na nila ang isa’t isa and what they know of each other ay sapat na para makapagsimula na sila ng kanilang buhay may-asawa. Pero ang siste ay wala ni paramdam na nagmumula sa kanyang director boyfriend. Kulang na lang na si Toni ang mag-propose para makasal na sila. Pero dahil siya ang babae, naghihintay lang siya. Mabuti na lang at marami siyang ginagawa. Hindi siya masyadong maiinip sa paghihintay for Direk Paul to ask her ng “will you marry me?”

Toni has started her brand new sitcom sa ABS-CBN titled Home Sweetie Home with second time screen partner, John Lloyd Cruz. Una silang nagtambal sa My Amnesia Girl na kung saan ay na-highlight ang pagiging mapagpatawa ni Toni. Marami sa nakapanood ng pelikula ay naniniwala na her performance in the film merited a best actress nomination pero rito sa atin ay mas binibigyan bigat ang mga performance sa drama kaysa sa comedy.

Toni is turning 30. Nasa edad na siya para magsimula ng isang pamilya pero kailan ba talaga luluhod sa harap ni Toni si Direk Paul para hingin ang kamay niya in marriage?

Thank you sa mga nagpasaya ng Pasko!

It’s the day after Christmas, at bago pa magkalimutan, I’d like to say thank you sa mga taong nagpasaya ng Pasko ko, na akala ko ay daratnan ng problema when my husband got gravely ill.

Salamat sa ABS-CBN, GMA, Puregold, KC Concepcion, Gov. ER Ejercito, Angel Locsin, Chuck Gomez, Linda Rapadas, Pocholo Mallilin, Ricky Reyes, Kuya German Moreno, PPL Entertainment, Becky Aguila, Vice Mayor Isko Moreno, Letty Celi Reyes, Fernan de Guzman, Benny Andaya, at marami pang iba. Salamat din sa mga nagbigay ng kontribusyon sa PMPC (Philippine Movie Press Club) Carolers. Hindi nadama ng lahat ng mga taga-PMPC ang dinaranas na kahirapan ng bansa at nakatulong pa kami sa maraming nangangailangan at maging ’yung sinalanta ni Yolanda.

Salamat, salamat! Kasama kayo sa aking dasal.

Show comments