Insensitive, nagmamalaki pa raw eh maraming naghihirap sa Tacloban: Matapos makatikim ng panlalait, bagong bahay ni Kris hindi na ipinalabas sa kanyang show

Seen: Ang state- of- the art studio at equipments ng news department sa bagong TV5 building sa Reliance St., Mandaluyong City.

Scene:  Ang  ‘the who’ reaction ng mga tao sa pag-amin nina Sef Cadayona at Yassi Pressman na hiwalay na sila.

Seen: Babalik sa Pilipinas si Jessica Sanchez dahil sa kanyang New Year’s Eve concert sa Eastwood City sa December 31.

Scene: Hindi na ipinakita sa programang Kris TV noong Martes ang Part 2 ng bagong bahay ni Kris Aquino sa Greenmeadows, Quezon City para matigil na ang kanyang bashers na nagsabi na insensitive na ipagmalaki pa ang bahay habang nagdurusa pa rin ang Typhoon Yolanda survivors.

Seen: Nagustuhan ni former Senator Kiko Pangilinan ang Boy Golden.

Tinawag niya na world class ang action movie na tinatampukan ng kanyang step-daughter na si KC Concepcion at ni Laguna Governor ER Ejercito.

Seen: Ang report ng Box Office Mojo International sa box office gross ng mga pelikula na ipinalabas sa Philippine cinemas noong December 4 hanggang December 8.

Show comments