Malaki raw ang naitulong ng teleseryeng Maria Mercedes sa personal na buhay ng bida nitong si Jessy Mendiola. Nawala raw kasi ang pagiging mahiyain ng aktres nang gawin niya ang nasabing proyekto. “It really changes me a lot. Dati mahiyain ako. Dati I could not even dance or sing in front of everyone. Ngayon automatic na, kapag naririnig ko ‘yung music ng Maria Mercedes, mic na lang ang kulang gagawin ko na sa harap. ‘Yung confidence nandoon. Sabi ko nga I’ll just put my red lipstick on, then I’m okay,†nakangiting pahayag ni Jessy.
Masaya raw ang dalaga dahil napapansin ng ibang tao ang kanyang mga ginagawa ngayon. “People enjoy what you do. People smile differently when they see you. Para sa akin, iba ‘yung confidence kapag alam mo na gusto nila ‘yung ginagawa mo. Ikaw na rin gusto mo na ang ginagawa mo dahil napapasaya mo sila,†paliwanag ni Jessy. “Now a lot of people are tweeting me saying bagay naman nga ang Maria Mercedes. Na-prove ko din naman sa kanila na I do deserve the break na binigay sa akin ng management ng ABS-CBN. I’m really happy. God has been good to me this 2013. All I could wish is sana nga sa 2014, mas bongga pa,†dagdag pa niya.
Samantala, kakaibang Jessy raw ang mapapanood ng mga tagahanga sa pelikulang kanyang gagawin sa susunod na taon. Makakasama ng aktres dito sina John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, Richard Gomez at directed by Chito Rono. “I’m really excited and nervous at the same time. Sabi ni direk Chito, he wants to see a different side of me. Ngayon, sobrang different, ibang-iba sa Maria Mercedes na nakasanayan,†pagtatapos ng aktres.
Ruffa nag-a-assume ng dyowa sa 2014
Dalawang taon na raw walang kasintahan si Ruffa Gutierrez at naniniwala naman daw ang aktres na magkakaroon na siya ng bagong pag-ibig sa 2014. “Wala akong love life but in 2014 meron na,†bungad ni Ruffa.
Hinihiling ng aktres na sana ay maging maayos ang darating na taon para sa kanya. “Hindi na ako naniniwala sa New Year’s resolution. I just hope that 2014 will be a bigger, better, brighter year for all of us. We’ve been through so much this year. Sana matapos na lahat ng mga paghihirap natin,†giit niya.
Samantala, kasama si Ruffa sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda at isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. “I’m very happy to be part of this film. Ibang klaseng Vice Ganda ang mapapanood nila rito. Let’s claim it na, sana number one na kami. this movie kasi is for all genders. I’m sure matutuwa ang pamilya,†giit niya. Reports from JAMES C. CANTOS