Sharon at Kiko nanood pa naman: KC super daring sa Boy Golden, mga kaibigan na-shock

SEEN:  Nga­yon ang opisyal na pagsisimula ng 39th Metro Manila Film Festival. Walong pelikula ang kasali, ang My Little Bos­sings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag: Siyam Na Buhay, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, 10,000 Hours, Boy Gol­den, Pedro Calungsod: Ang Batang Martir, at Kaleidoscope.

SCENE: Nakakaawa sina Sef Cayadona at Yassi Pressman dahil  kulang sa promo at publicity ang pelikula na sila ang mga bida, ang Kaleidoscope World.

SEEN: Dapat baguhin ng Metro Manila Film Festival executive committee ang sistema nila sa pagpili ng mga pelikula na kalahok sa MMFF upang hindi na maulit ang nangyari sa Kaleidos­cope World.

SCENE: Dumalo sa premiere night ng Boy Golden noong Martes ang mag-asawang Sharon Cuneta at Francis Pangilinan bilang suporta nila kay KC Concepcion, ang leading lady ni Governor ER Ejercito sa pelikula.

SEEN: Nanibago kay KC Concepcion ang kanyang mga kaibigan dahil sa mga daring scene  niya sa Boy Golden. Umaasa ang friends and supporters ni KC na ito ang mag-uuwi ng best actress trophy ng 39th Metro Manila Film Festival.

SCENE: Parehong action movies ang binig­yan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, ang Boy Golden ng Scenema Concept International at Viva Films, at 10,000 Hours ng Viva Films.

SEEN: Hindi isyu ang paninira kay Miss International Bea Rose Santiago na nagpaayos ito ng ilong dahil uso sa mga beauty queen ang pagpaparetoke ng mukha.

SCENE: Cheap publicity gimmick  na ng mga artista  ang tingin ng mga tao sa mga litrato nila na kumakalat habang nakasakay sa MRT.

Show comments