Sharon at Kiko nanood pa naman: KC super daring sa Boy Golden, mga kaibigan na-shock
SEEN: NgaÂyon ang opisyal na pagsisimula ng 39th Metro Manila Film Festival. Walong pelikula ang kasali, ang My Little BosÂsings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag: Siyam Na Buhay, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, 10,000 Hours, Boy GolÂden, Pedro Calungsod: Ang Batang Martir, at Kaleidoscope.
SCENE: Nakakaawa sina Sef Cayadona at Yassi Pressman dahil kulang sa promo at publicity ang pelikula na sila ang mga bida, ang Kaleidoscope World.
SEEN: Dapat baguhin ng Metro Manila Film Festival executive committee ang sistema nila sa pagpili ng mga pelikula na kalahok sa MMFF upang hindi na maulit ang nangyari sa KaleidosÂcope World.
SCENE: Dumalo sa premiere night ng Boy Golden noong Martes ang mag-asawang Sharon Cuneta at Francis Pangilinan bilang suporta nila kay KC Concepcion, ang leading lady ni Governor ER Ejercito sa pelikula.
SEEN: Nanibago kay KC Concepcion ang kanyang mga kaibigan dahil sa mga daring scene niya sa Boy Golden. Umaasa ang friends and supporters ni KC na ito ang mag-uuwi ng best actress trophy ng 39th Metro Manila Film Festival.
SCENE: Parehong action movies ang binigÂyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, ang Boy Golden ng Scenema Concept International at Viva Films, at 10,000 Hours ng Viva Films.
SEEN: Hindi isyu ang paninira kay Miss International Bea Rose Santiago na nagpaayos ito ng ilong dahil uso sa mga beauty queen ang pagpaparetoke ng mukha.
SCENE: Cheap publicity gimmick na ng mga artista ang tingin ng mga tao sa mga litrato nila na kumakalat habang nakasakay sa MRT.
- Latest