Grupo ng Indie singers, naglabas ng album para sa na-Yolanda

MANILA, Philippines - Nag-release ang IndiePinoy, grupo ng mga local independent artist, ng five-album benefit project para sa mga survivor ng super typhoon Yolanda.

Tinawag ang album na Bangon Pilipinas na umabot sa 80 artists at banda ang nag-contribute.

Na-release na ang Volumes 1 to 4 sa iba’t ibang web music stores, kabilang ang OPM2GO at MyMusicstore. Ang Volume 5 na full hiphop ay malapit na ring i-release.

Maririnig din ang Bangon Pilipinas albums sa mobile sa pamamagitan ng Full Track, Truetones, at RingBackTunes para sa Globe, Smart, at Sun sa pamamagitan ng content provider 888creativestudios. 

Ang mga kanta ay puwede ring i-download sa Malaysia, Singapore, Indonesia, Qatar, Kuwait, UAE, at iba pang bansa.

Nangako ang lahat ng artists na ido-donate ang kanilang royalties at talent fees sa project na ito para sa rehabilitation ng communities na naapektuhan ng super typhoon Yolanda sa Samar, Leyte, Cebu, Iloilo, at Palawan.

Ilan sa mga kanta sa unang apat na albums ay galing kina Gary Ignacio, dating singer ng Alamid; QT Paduano ng Agaw Agimat; Alfie Mella, dating singer ng Halflife Halfdeath; guitar virtuoso Noli Aurillo; Syato with Blanktape; Arko; Lion and the Scouts; Circa; Pancake 80; Flicker Fusion; Flytrap; Milky Summer; at Kley. 

Kasama sa compilation ang collaboration ng Bulakenyo bands at singers na tinatawag nilang Rainbow Project. 

Nag-contribute rin ang mga banda mula sa mga probinsiya at lungsod na naapektuhan ng bagyong Yolanda sa project na ito.

Para mag-download, bumisita www.mymusicstore.com.ph at www.opm2go.com.

Puwede rin itong ma-download sa cell phone sa pamamagitan ng Smart, Globe, at Sun. I-text lang ang Yolanda at ipadala sa 3456 para makatanggap ng links para maka-download ng mga kanta sa inyong mga cell phone. 

Para sa updates at information tungkol sa mga banda, pati na ng mga lyrics, videos, at gig schedules, bumisita sa www.yolandaproject.com, o tumawag kay Nolit Abanilla, IndiePinoy Co. president sa 0921-8221822 at 0917-9176299.

Show comments