James Yap todo-promote sa movie ni Bimby kahit tsinugi ang apelyido
PIK: Dinumog ng napakaraming fans ang parada ng Metro Manila Film Festival bilang hudyat nang pagbubukas ng taunang festival.
Ang karosa ng Pagpag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, at ang dalawang bagets na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap ang pinagkaguluhan nang husto ng mga tao.
Hinaharang pa ito ng karamihan kaya hirap na hirap sila makalabas.
Bukas na magbubukas ang walong entry ng MMFF at hinuhulaang maglalaban sa topgrosser ang My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
PAK: Tamang-tama naman nasa Diamond Hotel si James Yap nung dumaan ang parada at nakita nito ang anak niyang kumakaway sa float ng Little Bossings.
Nag-post na lang ito sa kanyang Instagram account; “After having lunch at Diamond hotel, look who’s also here in the area…nice coincidence. Pls. support My Little Bossings showing this Dec. 25.â€
Ano kaya ang reaction niya kapag makita sa credits ng pelikula na hindi na dala ni Bimby ang apelyido niya?
BOOM: In love na in love si Camille Prats ngaÂyon na kung saan isang taon na pala ang relasyon niya sa non-showbiz boyfriend niyang si John Yambao.
Parang seryoso na sila sa kanilang relasyon, na sabi nga ni Camille, tingin daw niya ang namayapa niyang asawang si Anthony Linsangan ang pumili sa lalaking mamahalin niya.
“I would say na some people say na baka Anthony was the one who sent him to me. He showed me sincerity and things na hindi ko naman talaga hiningi sa isang tao,†seryosong pahayag ng aktres.
- Latest