Maricel bongga ang ginawang pananampal
MANILA, Philippines - Tatak-Maricel Soriano na naman ang ipinakitang acting ng aktres sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy – ang kauna-unahang film collaboration niya kasama ang box-office star na si Vice Ganda.
Sa naturang pelikula, madaling napagsama ni Marya – na tinaguriang Diamond Star ng Philippine Movie Industry dahil sa kanyang walang kupas na versatility – ang mga elemento ng drama and coÂmedy sa kanyang role na Pia na ina ng apat na karakÂter na ginagampanan ni Vice sa pelikulang dinirek ni Wenn Deramas.
Ang involvement ni Maricel sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na opisyal na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF), ay parang isang magandang panaginip na nagkatotoo para sa blockbuster hit direktor ng pelikula na si (Direk Wenn) na nauna nang nakatrabaho si Marya sa Momzillas na ipinalabas kamakailan lang at para na rin kay Vice na kino-consider si Maricel bilang isa sa kanyang mga idolo at inspirasyon sa industriya.
Pareho naman ang sinasabi nina Wenn at Vice at pati na rin ang ibang mga kasama sa pelikula sa panguÂnguna nina Joey Marquez at Ruffa Guttierez na isang bihirang tsansa na makatrabaho si Maricel.
“Matagal ko nang hinihintay ito. Para sa akin, hindi magiging kumpleto ang acting career ko kung hindi ko makakatrabaho si Inay,†sabi ni Vice na inaming matagal na niyang pantasya na masampal ng original Taray Queen. At natupad ‘yun sa pelikula at naging bongga ang execution sa ‘slap scene’ na isa sa masasabing pinakamalaking highlights ng pelikula nila. Maski si Ruffa ay nag-agree kay Vice sa guesting nila kamakailan sa Gandang Gabi Vice na pati siya ay gustong magpasampal kay Maricel sa TV man o sa pelikula habang si Tsong Joey naman, nakatanggap din ng mahiwagang sampal mula sa Diamond Star, na bilib din sa professionalism nito.
“Marami akong natutunan kay Inay sa pelikulang ito. Nag-grow ako bilang isang actor pagkatapos ko siyang makatrabaho,†sabi ni Vice.
Ipinaliwanag naman ni Wenn kung bakit swak na swak si Marya bilang si Pia, “Maalaga talaga itong si Maricel. Natural para sa kanya ang alagaan at alalayan ang mga artista na itinutuÂring niyang mga anak. Hindi matatawaran ang range niya bilang isang aktres at napaka-intense ng chemistry at rapport niya kay Vice. Madali tayong maniniwala at madadala na siya ang nanay ng apat na karakter ni Vice at isa ito sa mga major strengths ng movie namin.â€
Para naman kay Maricel, na consistent sa kanyang mga panalo bilang Best Festival Actress Awards sa mga nakaraang MMFF at isa rin sa iilan lamang mga aktres na may pinaka-maraming critically-acclaimed at box-office films na ginawa sa Star Cinema, siya ang tunay na pinagpala dahil naÂging bahagi siya ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy. “Mahal na mahal ko ang aming direktor at maligaya din ako dahil anak ko si Vice. Alam kong magpapatuloy ang magandang samahan namin nina Direk Wenn at Vice. Magaling na direktor si Wenn at matalinong actor naman si Vice,†paglalahad ng beteranang aktres. “Attached din ako sa mga staff at crew ni Wenn na nakatrabaho ko sa Momzillas. Pamilya na sila sa akin. Napakasarap din katrabaho ng mga co-actors namin at very professional silang lahat. Nirerespeto nila ang trabahong minahal ko nang lubusan at dahil dito hinahangaan ko silang lahat.â€
Bilang nanay ng apat na magkakapatid, 80% ang exposure ni Marya sa pelikula. Pero wala naman daw itong reklamo kahit sinasabi ng iba na inapi siya sa billing.
Rated PG ang binigay ng MTRCB sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy at Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Mga hinimatay sa show ni Willie Revillame sa Tacloban umabot sa 30
Grabe ang dami palang nahimatay sa Wowowillie show ni Willie Revillame sa Tacloban na ginanap sa Airport Ground last Sunday.
Ayon sa isang nasa Tacloban, more than 30 daw ang natumba. Buti na lang daw at may mga nakabantay na paramedics sa lugar kaya madaling na bigyan ng first aid ang mga nahimatay nang lumabas ang TV host na namamahinga ngayon sa kanyang TV career.
Binisita ng TV host-comedian ang mga taga-Tacloban kung saan siya namigay ng datung at mga pagkain at pinasaya ang mga nakaligtas sa super typhoon na tumama sa Eastern Visayas.
EDSA nawalan ng traffic
Grabe ilang araw nang walang ka-traffic-traffic sa EDSA. Kahit sinasabi nilang may Christmas rush, hindi nagkabuhol-buhol ang traffic sa EDSA na alam naman nating lahat kung gaano kabigat ang traffic. Parang effective din ang inilunsad na Zipper lane ng Metro Manila Development Authority (MMDA) headed by Chairman Francis Tolentino.
Puwede naman palang walang traffic sa EDSA. Ang laking tulong at nakaÂkabawas ng stress.
Sana nga forever nang walang traffic.
- Latest