^

PSN Showbiz

KC magaling nang magpaputok

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng kanyang kaabalahan, maniniwala ba kayo na gusto muling mag-aral ni KC Concepcion? Pero isang crash course lang ito na isasabay niya sa kanyang pagbabakasyon sa New York sa mga unang araw ng 2014.

“Ayoko namang mag-relax lang ng completely. Gusto kong may magawang makabuluhan sa aking short vacation. Ito ngang pagkuha ng isang crash course na hindi ko pa alam kung ano at saan ang pag-iisipan ko pa,” sabi niya nang humarap sa media para sa promo ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 movie na Boy Golden.

Kailangan ni KC ng pahinga dahil naging lubhang abala siya these past few months hindi lamang sa naging shooting ng kanyang movie with Gov. ER Ejercito kundi maging sa naging preparasyon niya para rito. Kinaila­ngan niyang mag-training ng mar­tial arts mula sa mga expert na Thai na siya ring nagsanay kay Angeli­na Jolie para sa pelikula nitong Salt. Bukod sa pagsasanay sa martial arts, kinailangan din niyang matutong humawak at magpaputok ng baril at maging maalam sa ballroom dancing.

Ayaw ni KC na umasa na dahil sa effort na ibinigay niya sa pelikula ay maaari na siyang manalo ng best actress.

“Magagaling ang mga kalaban ko. Mas matagal na sila sa industriya. Mataas ang pagpapaha­laga ko sa kanila,” sabi niya.

Toni ilang na ilang ’pag lumalapit ang mukha ni John Lloyd

Mukhang masusubok ang kagalingan ni Toni Gonzaga bilang artista rito sa bago niyang palabas sa TV, ang Home Sweetie Home. Bukod nga sa isang sitcom ito ay kapareha niya ang isang aktor na hinangaan niya ang kagalingang umarte, si John Lloyd Cruz. Mag-asawa ang role nilang dalawa at dito magkakaro’n ng eksenang kissing scenes, at baka love scenes din, si Toni.

“Naiilang ako, lalo na kapag malapit na malapit na ang mga mukha namin pero buti na lang hindi ito nakikita sa mga teaser na lumalabas sa TV about the show. In fact, may mga nagsabi kung paano sila kinikilig sa eksena namin ni Loydie, lalo na nung nasa kama kami. Kung alam lang nila ang sobrang panginginig ko nun,” pag-amin ni Toni.

Charo at Noli kinilala ng mga migrante

Kinilala kamakailan ng Kapisanan ng mga Ka­mag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) sina ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio at broadcast journalist Noli de Castro bilang ilan sa mga nagwagi sa 3rd OFW Gawad Parangal. Iginawad kay Charo ang Most Prominent Host of the Longest Drama Anthology para sa Maalaala Mo Kaya.

Taun-taon ay binibigyang pugay ng OFW Gawad Parangal ang mga indi­bidwal mula sa iba’t ibang industriya na aktibo sa pagtulong at pagtugon sa proteksiyon ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya. Ginanap ang awarding ceremony at isinabay sa pagdiriwang ng International Day of Migrant Workers noong Disyembre 18 sa Patio de Manila, Malate, Manila.

BOY GOLDEN

BUKOD

CHARO

CHARO SANTOS-CONCIO

DRAMA ANTHOLOGY

GAWAD PARANGAL

HOME SWEETIE HOME

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with