^

PSN Showbiz

Bimby mas magaling ‘umarte’ kay Kris

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Compared sa acting ni Kris Aquino sa pelikula nito na Pido Dida, mas marunong umarte ang kanyang anak na si James “Bimby” Aquino Yap, Jr. sa unang movie project nito, ang My Little Bossings.

SCENE: Literal na may toilet humor ang ilang eksena sa My Little Bossings na official entry sa 39th Metro Manila Film Festival.

SEEN: Si Pauleen Luna ang date ni Vic Sotto sa premiere night ng My Little Bossings noong Sabado at ang girlfriend na si Liza Dino ang kasama ni Aiza Seguerra.

May special participation si Liza sa My Little Bossings at hindi challenging ang kanyang role bilang girlfriend ni Aiza.

SCENE: May isang eksena si Kris Aquino sa My Little Bossings na kalokalike siya ng singer na si Angeline Quinto.

SEEN: Personal na sinalubong ni Stella Marquez-Araneta ang pagdating ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago sa Ninoy Aquino International Airport noong Sabado.

Si Araneta ang chairman ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang organization na nagpapadala ng Filipina beauty queens sa international pageants at siya ang kauna-unahang winner ng Miss International na nag-umpisa noong 1960.

SCENE: Inabangan at pinanood noong Sabado ang Give Back Philippines, ang documentary ng TV5 tungkol sa pagdalaw ni Justin Bieber sa mga biktima ng typhoon Yolanda sa Tacloban City.

SEEN: Nagustuhan ni Rhian Ramos ang hindi pagsasalita ni KC Montero tungkol sa kanilang breakup. Malayung-malayo ang ugali ni KC kay DJ Mo Twister, ang ex-boyfriend ni Rhian na nagbuyangyang ng kumpletong detalye ng kanilang relasyon nang maghiwalay sila.

SCENE: Mga batikos at panglalait ang natikman ni Cristine Reyes dahil sa pagbaba niya sa sariling sasakyan at pagsakay ng bus para makarating sa ta­ping ng Honesto noong Biyernes.

Pinagbibintangan na papansin si Cristine na may image na latecomer at nagwo-walkout sa mga taping.

AIZA SEGUERRA

ANGELINE QUINTO

AQUINO YAP

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES

CRISTINE REYES

GIVE BACK PHILIPPINES

KRIS AQUINO

MY LITTLE BOSSINGS

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with