MMFF entries matagumpay sa parada

Kahapon ay ginanap ang inaabangan taun-taon na Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars. Nagpatalbugan sa gayak ang floats ng mga pelikulang kalahok sa nasabing event. Narito ang lista­han ng walong pelikulang kalahok sa MMFF 2013 na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Miyerkules.

My Little Bossings na pinangungunahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap, Jr. at Kris Aquino; directed by Marlon Rivera.

Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Kasama rin sina Maricel Soriano at Joey Marquez; directed by Wenn Deramas.

Pagpag: Siyam na Buhay na pinangungunahan ng tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; directed by Frasco Mortiz. Kasama rin sina Shaina Magdayao, Paulo Avelino, Miles Ocampo, Matet de Leon, at Janus del Prado.

10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla kasama sina Michael de Mesa, Alden Richards, Bela Padilla, Mylene Dizon, Carla Humphries, Pen Medina, and Joem Bascon; directed by Joyce Bernal.

Shoot to Kill: Boy Golden, directed by Chito Roño, ay pinagbibidahan ito nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion. Kasama rin sina John Estrada, Eddie Garcia, Leo Martinez, Gloria Sevilla, Tonton Gutierrez, Baron Geisler, at Joem Bascon.

Kaleidoscope World na pinagbibidahan nina Sef Cadayona and Yassi Pressman kasama sina Alma Concepcion, Pia Pilapil, at Arnold Reyes; directed by Eliza Cornejo.

 Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na pinagbibidahan ni Eugene Domingo kasama sina Sam Milby, Ariel Ureta, Miriam Quiambao, Joel Torre at Angel Aquino; directed by Chris Martinez.

 Pedro Calungsod: Batang Martir directed by Francis Villacorta at pinangungunahan ito ni Rocco Nacino. Kasama rin sina Christian Vasquez, Jestoni Alarcon, Ryan Eigenmann, Victor Basa, at Mercedes Quebral.

Sa Dec. 27 naman gaganapin sa Meralco Theater ang awards night ng MMFF.

April Boy tinuldukan na ang career

Nakalulungkot ang balitang lilisanin na ni April Boy Regino ang mundo ng showbusiness dahil sa kanyang karamdaman. Dalawang taon na ang nakararaan mula nang magkaroon ng prostate cancer ang singer.

“Tigil na po ‘ko habang buhay. Ang isang tao dapat tanggapin niya na kahit gustung-gusto niya pa ’yung ginagawa niya, kailangan na rin niyang tuldukan,” paha­yag ni April Boy.

Ayon sa singer, patuloy niyang nilalabanan ang kanyang karamdaman para sa kanyang mga mahal sa buhay at mga tagahanga.

“Kapag naririnig ko ang mga tao, ‘Idol, ‘wag ka titigil, wala na kaming inspirasyon.’ Sasabihin ko, ‘Pasensiya na kayo, mahal ko rin kayo, pero ‘di ko alam kung bakit gusto ko nang tumigil.’ Siguro sa pagod ko na rin po. Lahat po ng tao dumara­ting ‘yung pagkapagod, parang pagod na pagod na ako,” dagdag ni April Boy.

Humuhugot daw ng lakas ang singer mula sa kanyang pamilya at sa Panginoon.

“Masayang-masaya po ako dahil sa tulong ng Panginoon nagkaroon na naman ako ng panibagong lakas pero nagpapagaling pa po ako. Noong sinabi po ng asawa ko na, ‘Bumangon ka. Magpalakas ka. Tutulungan tayo ng Diyos. Magdasal lagi tayo na pagalingin ka.’ Wala pong imposible sa Kanya. Naku! Napakabait po ng Diyos sa akin,” pagtatapos niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments