Mannerisms ni Robin tinanggal ni Direk Joyce
Sinagot ang panalangin ni Robin Padilla na magbalik-ningning ang action film via 10,000 Hours, isang action-drama na puno ng rebelasyon ng mga lihim sa buhay ni dating Senador Panfilo Lacson.
Ito’y higit pa sa kuwento ng isang simpleng pulis na pinaiiral ang batas hanggang sa maging public official.
Nailarawan ni Binoe ang karakter ng isang amang nawalay sa pamilya at ang poot sa mga may kapangyarihan habang ipinaglalaban ang katotohanan. Dahil dito, marami ang nagsasabi na malaki ang pag-asa ng action star na magkamit ng best actor award sa Metro Manila Film Festival.
Magaling na director si Joyce Bernal at tinanggal niya ang mannerisms ni Robin bilang action star. Kinunan pa ang pelikula sa Amsterdam, Netherlands at ’di tinipid ang production cost ng pelikula na prodyus nina Neil Arce at Boy 2 Quizon.
“Sana kumita ang pelikula. Wala kaming trailer at ipagmakaingay na lang ang pelikula. Mabawi sana ng producers ang puhunan para makagawa uli sila ng pelikula na makakatulong sa movie industry,†sabi ni Robin.
Kasama rin sa cast sina Michael de Mesa, Mylene Dizon, Bela Padilla, Pen Medina, Carla Humphries, at Alden Richards.
Mapapanood ang 10,000 Hours, simula sa Dec. 25. Pagpag, para ring Shake...
Basta’t horror movie na tatak Regal Films ay kumikita sa takilya gaya ng Shake, Rattle & Roll franchise pero nagwakas na rin ito. Hindi dapat malungkot ang mga moviegoer dahil nakipag-teamup naman ang producer na si Mother Lily Monteverde sa Star Cinema para makapaghandog ng isa pang horror-suspense movie, ang Pagpag: Siyam na Buhay.
Sa direksiyon ni Frasco Santos Mortiz, ipapakita ang siyam na supersÂtitious beliefs tungkol sa burol.
Tampok si Kathryn Bernardo na nagsabing kahit excited siya sa pagggawa ng pelikula ay napagod naman siya dahil sa katatakbo sa takot.
- Latest