Chairman Tolentino naiipit sa hatian ng sinehan sa MMFF
Three movies in a row ang naging pelikula ng actor-politician na si ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival. Nauna na rito ang action movie na Asiong Salonga in 2011 at El Presidente in 2012, at itong pagkakapasok ng Boy Golden: Shoot to Kill naman ngayong 2013. Ang pelikulang Asiong Salonga ang nakapaghatid ng 42 different awards kay Gov. ER at sa pelikula kaya biniro niya si Direk Chito Roño na 50 awards ang makukuha ng Boy Golden. Bigla raw na-stress si Direk Chito.
Bilib si ER kay Direk Chito bilang direktor kaya hinÂdi siya magtataka kung ito ang makakapag-uwi ng best director trophy.
Samantala, may hinaing si ER sa pamunuan ng MMFF dahil hindi raw patas sa distribution ng mga sinehan among the eight entries. Ang masaklap pa nito, kapag mahina sa takilya ang pelikula sa simula pa lamang ng festival on Dec. 25, malamang na ito’y mag-first day-last day sa mga sinehan at ang mga sinehan na mahihina ang palabas ay ipamamahagi sa mga pelikulang malalakas. Hindi rin kasi papayag ang mga theater owner na magpalabas sila ng mga pelikula na hindi kumikita sa takilya.
Sa totoo lang, mahirap din ang papel ni MMDA Chairman Francis Tolentino dahil hindi niya mapi-please ang lahat ng producers na kalahok dahil goal din ng MMFF ang makalikom ng malaking halaga dahil iba’t ibang agencies ng industriya ang makikinabang nito at kasama na rito ang MOÂWELFUND at Film Academy of the Philippines. Gusto rin siyempre ng mga producer na mabawi ang kanilang puhunan at kumita na malabo namang mangyari sa ibang entries na mahihina sa takilya.
Direk Joyce si Direk Chito ang kalaban sa MMFF
Isa si Direk Joyce Bernal sa mga producer ng third film ng Kimmy Dora na muling pinagbibidahan ni Eugene Domingo with Sam Milby as leading man na isa sa mga kalahok ng Metro Manila Film Festival (MMFF) pero hindi siya ang nagdirek ng pelikula kundi si Chris Martinez.
Si Direk Joyce ay direktor ng isa pang kalahok sa MMFF na 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Kinunsidera rin siya na idirek ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap, Jr. pero natanguan na nito ang pagdidirek ng action movie ni Robin kaya kay Marlon Rivera napunta ang pagdidirek ng pelikula nina Vic at Kris.
Proud si Direk Joyce sa 10,000 Hours na produced ng mga baguhang producer na sina Boy 2 Quizon at Neil Arce, na boyfriend ni Bela Padilla, na tinatampukan din nina Mylene Dizon, Alden Richards, Carla Humphries, at iba pa.
Siyanga pala, sa walong entries ng Metro MaÂnila Film Festival ay mahigpit na nominado sa best director category sa awards night na gaganapin sa Meralco Theater on Dec. 27 sina Bb. Joyce at Chito Roño.
- Latest