^

PSN Showbiz

Mga pinagsasabi ni Gretchen pinaniniwalaan?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Marami ang naniniwala na gusto lang talagang ma­pabuti ni Gretchen Barretto, nila ni Marjorie Ba­retto, ang kapatid nilang si Claudine Barretto kaya sila tumetestigo laban sa bunso. Obviously, nag­kakaisa silang magkakapatid. May kasama pa silang isang kapatid na lalaki, na mas makatutulong sila kay Claudine kung ilalabas na nila ang problemang pinakatatagu-tago nito.

Tutal naman ay nakapag-rehab na ito na isang patunay na gusto naman nito ng pagbabago, kahit hindi sang-ayon ang kanilang mga magulang, na sana ay maisip din na tulungan ang bunso nila para makabalik ito sa kanyang trabaho at tuluyan nang magbago.

Ryzza Mae naalalayan ni Boots sa pagkukuwento ng love life

Nung isinalang sina Boots Anson Roa at ang abogadong kanyang mapapangasawa para inter­byu­hin ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang show, akala nga’y nakagawa ang TAPE, Inc. ng isang malaking pagkakamali. Bakit mo nga naman ipagkakatiwala sa isang bata ang pakikipag-usap sa dalawang may edad ng tao na naghahanda para sa kanilang ikalawang paghaharap sa altar?

To Ryzza Mae’s credit ay naging very entertai­ning ang takbo ng pag-uusap at bukod sa mara­ming nalaman ang mga manonood sa dalawang ika­kasal, naibahagi pa rin ng dalawa ang kanilang magandang kuwento ng pag-ibig, ang katotohanan na wala sa edad ang ikagaganda ng isang relasyon kundi nasa puso.

Nagawang makipaglaro ng dalawa sa kanilang interviewer at humanga ako sa ginawa nilang pag-alalay sa child star.

Kris papagitna sa away ni Melai sa mga kaibigan

Napakaganda rin ng baby shower na ipinagkaloob ni Kris Aquino sa kanyang programa sa TV sa kakakasal na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Suwerte ng magiging anak ng dalawa.

Sana naman ay mawala na ang animosity na nasa pagitan ng mga bagong kasal at ilan nilang ka­ibigan. Mahirap ’yung hindi sila nagkakasundo. Paano kung magkaro’n sila ng proyekto na kaila­ngang magkasama sila?

Dapat bati-bati na sila. If Melai and Jason can not start it, puwede siguro silang tulungan ni Kris.

vuukle comment

BOOTS ANSON ROA

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

JASON FRANCISCO

KRIS AQUINO

MARJORIE BA

MELAI AND JASON

MELAI CANTIVEROS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with