Inamin ng kampo ni Claudine Barretto na nasaktan ang aktres nang mag-testify sa korte laban sa kanya ang kapatid na si Gretchen Barrteto na mas kinampihan si Raymart Santiago.
Normal ang naramdaman ni Claudine dahil talagang masakit na isang linggo bago mag-Pasko ay nagpunta sa korte ang sariling kapatid para kampihan ang kanyang estranged husband.
I’m sure nakadagdag sa pagdurusa ni Claudine ang pagdalo ni Raymart at ng madir nito sa Christmas party na ginanap sa bahay ni Marjorie Barretto. Eh parang kailan lang nang magpahayag si Claudine na willing na siya na makipagkasundo kay Marjorie na miss na miss na niya.
At dahil nasaktan, pinag-aaralan ni Claudine ang pagsasampa ng bagong kaso laban kay Raymart.
Paano magiging merry ang kanilang Christmas?
Ryzza Mae walang kanerbiyos-nerbiyos sa duet sa Blake
Viral na ang video ng duet ni Ryzza Mae Dizon at ng Blake. Hit na hit sa mga Pinoy ang pagkanta nila ng Pusong Bato.
Lalong nadagdagan ang Pinoy fans ng BriÂtish vocal group dahil sa kanilang effort na makakanta ng isang sikat na Tagalog song.
Siyempre hinangaan din si Ryzza Mae dahil wala siyang kanerbiyos-nerbiyos habang kumakanta sila ng Blake. Ang maganda sa bata, pantay-pantay ang tingin at trato niya sa mga bumibisita sa The Ryzza Mae Show dahil, bilang bata, balewala sa kanya kung sikat o hindi ang mga guest niya sa show.
Puntod ni Daboy alagang-alaga sa bulaklak ni LT
Bago na ang litrato na nakalagay sa puntod ni Rudy Fernandez sa Heritage Park nang dalawin ko ito noong Biyernes.
Hindi nawawalan ng fresh flowers sa libingan ni Daboy dahil alagang-alaga ni Lorna Tolentino ang kanilang musoleo.
Walking distance sa musoleo ng Fernandez family ang musoleo ng mga Lim-Napoles kaya sinadya ko na rin ito.
May mga Christmas decoration sa paligid ng musoleo na pag-aari ng pamilya ni Mama Jenny Lim-Napoles pero wala na ang mga party na ginaganap doon tuwing Dec. 20. Every year bago siya nasangkot sa PDAF (Priority Development Assistance Fund controversy), masaya ang Christmas party ng mga Napoles-Lim sa kanilang musoleo.
Umaapaw ang mga pagkain, ang mga bisita na pari, madre, at mga artista. Walang umuuwi na luhaan dahil namimigay si Mama Jenny ng mga kahon-kahon na prutas at bongga ang mga premyo sa kanyang raffle draw. Those were the days...
Congrats sa aking son-in-law!
Merry ang Christmas ng aking son-in-law na si Van Castor dahil siya ang pinarangalan na Supervisor of the Year ng Memorial Sloan-Kettering Center sa New York, USA.
Gulat na gulat si Van dahil hindi niya inaasahan ang award na natanggap niya kahapon bilang Supervisor of the Year ng Department of Radiology ng Memorial Sloan-Kettering Center. Pinarangalan ang aking manugang dahil sa kanyang outstanding dedication and willing service to patient care. Maligayang-maligaya ako para kay Van dahil sa kanyang karangalan na natanggap.
Hindi lamang para sa kanya kundi para sa ating bansa dahil kahit US citizen na siya, Pinoy na Pinoy sa isip, salita, at gawa ang aking favorite son in-law.
Pink maleta, nakakaaliw
Ang Christmas gift ng Flawless ang isa sa mga na-appreciate ko dahil unique ang pink maleta na naglalaman ng pink towel at Flawless products.
Marami ang naaliw sa kakaibang regalo ng Flawless na idea ng Flawless owner na si Rubby Sy. Sa totoo lang, collector’s item ang pink Flawless maleta na puwedeng gamitin sa mga biyahe.