Tuloy pa rin ang pasko sa Gandang Ricky Reyes

MANILA, Philippines - Kahit anumang kalamidad o pagdarahop ang maranasan ng mga Pinoy, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko o kapanganakan ni Baby Jesus.

Isang buong taong umaasa at naghihintay ang mga bata sa pagdating ni Santa Claus kaya, “Tuloy pa rin ang Pasko. May kani-kaniyang paraan ng pagdiriwang ang mga tao.  Naniniwala sila na ang okasyo’y di lang para sa mayayaman kundi pati sa mahihirap din,” sabi ni Mader Ricky Reyes.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado alas-nuwebe ng umaga ay itatampok ang mag-inang Millie at Karla.

Good Samaritans ang dalawa na ibinabahagi ang kanilang Noche Buena sa isang pamilyang nakita lamang nila sa lansangan.

Mala-Santa Claus naman si Mader Ricky na dumadalaw sa bahay ng mga mahihirap at namumudmod ng mga pagkaing pang-Noche Buena.

Isang Kapuso na may cancer at nagpapa-che­mothe­rapy ang sosorpresahin ng GRR TNT. Sa iniregalong peluka na yari sa tunay na buhok ng tao’y goodbye sa pagkakalbo at hello sa bagong anyo ang maysakit.  Malaki ang pasasalamat niya kay Santa Mader RR.

Hangga’t may mga ginintuang puso sa mundo ay tuloy talaga ang Pasko.

Show comments