PIK : Naloka si Isabel Granada sa sobrang traÂffic na sinuong niya papuntang GMA 7 para sa taping ng Celebrity Bluff nung nakaraang linggo.
Halos two hours na raw siyang late, kaya nag-MRT ito pero rush hour kasi iyun kaya nakipagsiksikan ito sa maraming pasahero sa MRT para makahabol lang sa taping ng programa ng GMA 7.
PAK : Traffic din ang idinahilan ng isang comedienne kaya hindi ito natuloy ang guesting sa isang celebrity talk show.
Pero hindi sana siya ma-late kung hindi pa siya coding. Naghintay lang daw siyang puwede nang lumabas dahil coding siya, pero dumaan din sa maÂtinding traffic, kaya mahigit dalawang oras din siyang hinintay pero wala pa rin.
Kaya ang ending, isang celebrity na lang ang isinalang sa episode na iyun at hindi na si comeÂdienne.
Irita sa kanya ang mga staff dahil sana sinabi raw nitong problema niya ang coding, eh di sana pinasundo na lang siya.
Huli na lang niyang sinabi na coding pala siya pagkatapos niyang magpahintay ng matagal.
BOOM : Emotional si Gretchen Barretto sa mga ipinu-post niya sa kanyang Instagram account pagÂkatapos niyang mag-testify sa hearing kamakalawa ng umaga.
Kinagabihan ay may Christmas party ang pamilÂya na ginanap sa tahanan ni Marjorie Barretto.
Parang galing sa iyak si Gretchen sa mga litrato niya at may isa pa siyang ipinoste na kuhang nakayakap kay Tonyboy Cojuangco. Sabi nito: “After all that has been said and done, all I need is a tight embrace from my dada, all will be well.â€
Kasama rin sa party na iyun si Raymart Santiago at ang Mommy nito, na itinuturing pa ring pamilya nina Gretchen.