Hindi nakadalo si Angelica Panganiban sa kasal ng kaibigang si Melai Cantiveros kamakailan. Marami tuloy ang napaisip na talagang may tampuhan pa rin sa pagitan ng dalawa.
Noong Huwebes ay nagpaliwanag si Melai sa programang Kris TV tungkol sa isyu. “I understand, nakalimutan ko ngang batiin siya sa birthday niya, nauna birthday niya,†bungad ni Melai.
Aminado ang komedyana na talagang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Angelica bago pa mangyari ang kasalan. “Sa mga last text niya sa akin na sobrang nainis na siya or over-over ang galit niya. Sabi ko na lang, ‘Tweeny (tawagan nina Melai at Angelica sa isa’t isa), i-understand mo na lang kasi alam n’yo naman na nagdadalantao ako at saka hindi naman basta siniraan n’yo ‘yung tao. Alam n’yo naman na mahal ko ‘yung tao. Sana maramdaman n’yo din ‘yung aking puso.’ Oo, cold ako sa mga reply. Sabi ko naman para maramdaman niya bakit ako cold, †kuwento ni Melai.
Umaasa naman ang aktres na magkakaayos din sila sa tamang panahon ng kaibigan. “Feeling ko magiging okay din naman ang lahat. Kasi wala na ‘yung text na ganito na parang naiirita ako pero alam namin both ways kung ano ang pagkakamali at ini-explain namin sa isa’t isa. Hindi naman ‘yung worst talaga, sa amin tampuhan lang. Ibig sabihin real friends talaga kami kasi nagtatampo ako sa kanya. Hindi ‘yung plastic na friendship na pagtalikod, ‘Ito talaga si kuwan…’ So real friends talaga,†paliwanag niya.
Sam hindi kayang makipag-torrid kissing sa lalaki
Wala raw problema kay Sam Milby kung tumanggap at makaÂgawa siya ng gay role para sa isang proyekto. Kung sakali ay magkakaroon lamang daw ng limitasyon kung matutuloy man ito. “If it’s a gay role, I don’t have a problem with that. I haven’t seen Brokeback Mountain but if it’s very torrid na kissing scenes, I don’t think I can go that far. But it will also depend on the script, if it’s an acting piece,†pagtatapat ni Sam. Samantala, ang aktor ang leading man ngayon ni Eugene Domingo sa pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival sa susunod na linggo.
Na-enjoy daw nang husto ni Sam ang mga action scenes na kanyang ginawa sa nasabing pelikula. “I love doing action, siyempre hindi mahilig dito sa Pilipinas na mag-action lately. It’s more of drama, romantic comedy. Ako, I love doing action. I did wrestling in high school. I did karate,†pagbabahagi ng binata.
Pinaghahandaan na raw ni Sam ngayon ang isang bagong teleserye na kanyang gagawin sa susunod na taon. Reports from JAMES C. CANTOS