Obvious na malaki ang budget ng production ng isang umeereng soap dahil nang i-request ng bidang aktor na rentahan ang nakitang vacant townhouse para pahingahan niya in between takes, pumayag ang production staff.
Hindi naman ganu’n kamahal ang rent sa townhouse at kayang-kaya ng production. Ang nakakaloka, malapit lang ang bahay ng aktor sa location ng taping at puwede siyang umuwi at on call na lang sa taping.
Iisa ang reaction nang nakaalam sa isyung ito, spoiled daw sa production staff ang aktor at pinagbigyan ang request nito. Kaya lang, paano kung malaman ito ng ibang cast ng soap? Paano kung gayahin ng leading lady ang ginawa ng kapareha at mag-request din na upahan siya ng townhouse o condo unit na pahingahan? Mas may karapatan siyang hilingin ito dahil mas malayo ang bahay niya sa kapareha.
Rhian at KC walang nabago kahit split na
Kasama sina Rhian Ramos at KC Montero sa list ng showbiz couple na nag-break this year, ang kaibahan lang nila, hindi magulo ang kanilang break-up at nanatili silang magkaibigan. Walang hihintaying post break-up confessions from the two ang tao dahil maayos ang kanilang paghihiwalay.
In fact, nagti-tweet pa rin sila sa isa’t isa na parang walang nabago sa relasÂyon. Inamin lang ni Rhian ang break-up nila ni KC nang ma-interview ito sa premiere night ng 10,000 Hours, pero walang sinabing rason. Ang nabanggit lang, bago pa ang bagyong Yolanda, break na sila.
After mabalitaan ang Rhian-KC break-up, saka lang namin naintindihan ang ibig sabihin ng tweet ni KC na “Bad year for love.†Na-tweet din nitong sa piling ng pamilya niya sa Seattle siya magpa-Pasko.
Cesar at Rocco may sariling grupo
Magkaaway at magkaribal kay Lovi Poe sa Akin Pa Rin ang Bukas sina Cesar Montano at Rocco Nacino, but in real life, friends ang dalawa na nagkakilala lang sa taping nang nasabing soap ng GMA 7 na magtatapos na sa December 27.
Kapag free, nasa Bellissimo restaurant ni Cesar si Rocco at nakiki-jamming kay Cesar at sa mga kasama nito sa tinatawag na Thursday Club ng aktor. Nagda-drums si Rocco, kaya nakakasabay siya sa jamming ng grupo.
Nabanggit din ni Rocco na binigyan siya ng book ni Cesar tungkol sa acting at binasa niya ito. Ang initial reaction niya na na-intimidate sa first few weeks taping ay napalitan ng paghanga at respeto. Umaasa si Rocco na muling makatrabaho si Cesar sa future projects pa niya sa GMA 7.
Daniel humawak na ng baril
Ipinalabas sa premiere night ng 10,000 Hours ang trailer ng next Robin Padilla movie na Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak ana showing sa January 2014. Puro Padilla ang kasama sa cast mula kay Mariel Rodriguez-Padilla, Kylie Padilla, RJ Padilla, Daniel Padilla, at isa pang Padilla na ‘di namin nakuha ang name.
Nakakatuwang mapanood ang mga batang Padilla na sumusunod sa yapak ni Robin at sa action movie pa sila nagsama-sama.
Kung sa Adarna madalas umiiyak si Kylie, kung nagpapatawa sa Bubble Gang si RJ at kung nagpapakilig sa Got to Believe at mananakot sa Pagpag, Siyam na Buhay si Daniel, sa Sa Ngalan ng Ama, Ina, at Mga Anak, mag-a-action siya. Humawak at nagpaputok ito ng baril at tingin namin, nawala ang pagiging matinee idol, puwede sa action ang young actor.
Maganda ang takbo ng career ni Daniel dahil this early, hindi lang iisang tema ang kanyang ginagawa, iba-iba na makakatulong sa kanya. Pero bago siya mapanood na nakikipag-barilan, panoorin muna sila ni Kathryn Bernardo sa Pagpag.