KC walang ilusyong maging best actress

Hindi umaasa si KC Concepcion na mananalo siya ng best actress award sa gabi ng parangal ng 2013 Metro Manila Film Festival dahil makakalaban niya sa nasabing kategorya si Eugene Domingo.

Si KC ang lead actress ng Boy Golden ng Viva Films at Scenema Concept International. Si Eugene naman ang bida sa Kimmy Dora: Ang Ki­yemeng Prequel.

Kahit hindi hoping na mag-win si KC, nagsalita na si Laguna Governor ER Ejercito na kapag hindi nanalo ang kanyang leading lady, dinaya ito.

Ipinagmalaki ni Papa ER na mahusay ang acting ni KC sa Boy Golden. Para sa kanya, si KC ang deserving na manalo ng best actress award ng MMFF.

American pine tree ang regalo ni Paulo Avelino kay KC. Hindi naman idinenay ni KC na totoong pine tree ang natanggap niya mula sa kanyang manliligaw.

Imbes na malaking bituin, mint candy ang gusto ni KC na ilagay sa tuktok ng kanyang Christmas tree. Kapag nalaman ni Paulo ang type ng kanyang nililigawan, malamang sa hindi na maghanap siya ng giant mint candy para makumpleto ang Christmas tree na iniregalo niya.

Sabon ni Che, patok na patok na pampaputi

May bago akong BFF, si former Carmen, Bohol Mayor Che Delos Reyes na na-meet ko kahapon sa Christmas party niya for the entertainment press.

Kasama ni Mama Che ang kanyang dalawang anak at ang winners ng Miss Beauche International na mas magaganda at talagang mukhang beauty queen sa personal.

Si Mama Che ang may-ari ng Beauche beauty soap na parang may magic dahil kumikinis at pumuputi ang balat ng mga gumagamit.

Matagal ko nang naririnig ang Beauche soap pero kahapon ko lang nakita ang mga produkto na ipinamigay ni Mama Che.

Marami ang nagpapatunay na effective na pampakinis ng balat ang Beauche na short for Beautiful Che. Locally made ang Beauche products na madalas na napagkakamalan na made in France.

Very affordable ang presyo ng Beauche na popular na popular din sa mga empleyado ng Phi­lip­pine Airlines dahil nasubukan nila.

Beauche user ang direktor at nursing review school owner na si Anton Broas. Ang kinis-kinis ng balat ni Papa Anton. Living example siya na very effective ang sabon na kanyang ginagamit. Twenty branches ng Beauche ang pag-aari ni Papa Anton.

Walang umuwing luhaan sa Christmas party ni Mama Che dahil nag-win ang lahat sa raffle draw.

May mga nanalo ng cash, Ipad, Iphone, at Sony camera. Bongga ang pa-raffle ni Mama Che dahil gusto niya na mag-share ng blessings sa lahat bilang successful ang Beauche products.

Siyempre, hindi nakalimutan ni Mama Che na tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad sa Visayas. Nagbigay siya ng malaking tulong sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Bohol at sa mga biktima ng typhoon Yolanda.

Salamat sa ensaymada…

Maraming salamat sa mag-asawang Korina Sanchez at Senator Mar Roxas dahil sa masarap na special ensaymada na ipinadala nila sa akin bilang early Christmas gift.

Taun-taon, never na nakalimot na magpadala sa akin ng special ensaymada ang magdyowa. Kung minsan naman, mga fresh seafood ang ipinadadala nila sa akin. Maraming salamat Mama Koring and Papa Mar!

                                               

 

Show comments