^

PSN Showbiz

Aktres walang choice kundi magpakita ng skin, or else tsutsugihin sa pagbibidahang serye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala natuloy ang storycon para sa bagong soap ng isang network dahil nagkaroon ng problema sa cast at sa lead actress pa man din. Na-realize ng staff at ibang tao sa likod ng soap na parang hindi babagay ang una nilang napi­ling aktres sa role na gagampanan nito dahil may pagka-sexy.

Nabanggit ng director na hahawak sa project ang tungkol sa problemang kinakaharap nila. May pagka-sexy ang role at karakter ng soap at tingin niya ay hindi babagay sa aktres na napili ng network.

Tama ang edad ng aktres, hindi lang sure ang direktor kung kakayanin nitong magpa-sexy at magpakita ng konting skin. Ang mangyayari nito, baka mapalitan ang aktres o baka ang material ang palitan.

 Unless papayag ang aktres na magpa-sexy, magsuot ng sexy costume, at magpakita ng clea­vage. Ang tanong, handa na kaya ang aktres na magbago ng image? Payagan kaya siya ng boyfriend na magbago?

Kris at Bimby babalikan ang show ni Ryzza Mae

Muling magi-guest ang mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap, Jr. sa The Ryzza Mae Show this Wednesday para pa rin i-promote ang movie nilang My Little Bossings.

Ready na rin sina Kris sa premiere night ng My Little Bossings sa Saturday at sa Parade of Stars sa Sunday, Dec. 22. Pinaka-excited ang dalawang bata sa pagsakay sa float at naalala naming itinanong ni Bimby kay Kris kung ano ang gagawin nila ni Ryzza sa float.

Robin maka-Binay pero kakampi kay Lacson kung matutulungan ang Mindanao

Dapat pala kasama ni Robin Padilla si former Sen. Ping Lacson na magi-guest sa Gandang Gabi, Vice ni Vice Ganda para tumulong mag-promote ng 10,000 Hours na inspired sa kanyang life story.

Hindi lang natuloy mag-guest doon at sa ibang TV shows si Mr. Lacson dahil na-appoint siya ni President Noynoy Aquino na Presidential Assistant for Rehabilitation and Reco­very.

Pero sa premiere night kagabi ng 10,000 Hours sa Cinema 2 ng Greenbelt 3, Makati City ay dumating si Lacson. Nakuwento ni Neil Arce, isa sa mga producer na napanood na nito ang rough cut ng movie at nagustuhan nito at the same time may mga suggestion ito na kanilang sinunod.

Nabigyan ng R-13 ratings ng Movie and Television Review and Classification Board ang movie dahil, sabi ni Robin, may sense ito. Hinihintay pa kung anong grade ang ibibigay ng Cinema Evalua­tion Board pero kampante si Robin na walang magrereklamo dahil fiction naman. Guilty daw ang unang magrereklamo.

Tinanong si Robin kung tutulong ikampanya si Lacson ‘pag tumakbo uli itong presidente sa 2016?

“Mahaba-habang usapan ‘yan. Una na akong naka-commit kay Vice President Jejomar Binay dahil bilib ako sa ginawa niya sa Makati at sa tulong sana sa Zamboanga. Kung nasunod ang ceasefire, hindi sana nagkaroon ng gulo. Kung ipapangako ni Lacson na tutulungan niya ang Minda­nao ng hindi lang laway, mas lamang na siya sa akin kesa kay Binay,” diretsong sagot ni Robin.

Carla excited sa music video ng French BF na ipalalabas sa Europe

Kinilala at tiningnan namin sa Google ang French singer na si Medi Parisot na kuwento ni Carla Humphries sa presscon ng 10,000 Hours ay dini-date niya (o BF na) since September.

Kulot ang mala-Afro na buhok ng singer na sikat sa France. Nakilala na nito ang parents at pati lola ni Carla na nakatira sa Nice, France. Ipinakilala naman ni Medi ang aktres sa kanyang parents. Close raw ito sa lola niya at kahit wala si Carla ay ini-invite ang lola niya para lumabas.

Pinapunta ni Medi sa France si Carla para makasama niya sa music video nito ng song nitong One is Not Enough from his second album. Sa Brussels, Belgium kinunan ang music video for five days at ipalalabas sa last week ng January. Exci­ted si Carla na mapapanood siya sa Europe.

AKTRES

BIMBY

BIMBY AQUINO YAP

BINAY

CARLA

CARLA HUMPHRIES

CINEMA EVALUA

LACSON

MY LITTLE BOSSINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with