Lea may kinamumuhian sa showbiz, naglabas ng galit
Sino kayang kinabubuwisitan ni Lea Salonga?
Sa kanyang Twitter account ay nagpasaring siya : “Isa sa pinaka-ayaw ko ay ang taong sobrang kapal kapal kapal kapal ng mukha. Huwag niyo na lang ako harapin, baka may dumugo. Ikaw yun.â€
Siyempre kanya-kanyang hula ang followers niya. Pero wala namang hint na ibinigay ang international singer kaya wala rin silang mapangalanan. May ilang nangÂhula pero alam mo naman sa Internet puÂweÂdeng manira kahit sino.
Anyway, may mga nagulat sa tweet ni Lea na marunong din palang magalit ang magaling na singer. May nag-advice na ‘wag sayangin ang kanyang energy sa negative issues habang marami naman ang nag-aabang kung papangalanan niya kung sino ang kina-iimbyernahan niya.
Paulo x-mas tree ang iniregalo kay KC
“This is my first real Christmas tree! American Pine freshly shipped straight from the States. Thank you for this early Christmas gift (Paulo Avelino),†caption ni KC Concepcion sa kanyang InstaÂgram account kahapon na ang photo ay ang Christmas tree na usually ay ino-order sa high end supermarket na S&R. Hindi pa nakaayos ang nasabing Christmas tree, nakatali pa.
Worth P4,000 din ang nasabing real tree na sinasabi ni KC.
Ayaw pa ring magsalita ni KC tungkol sa status nila ni Paulo. Nauna nang itinanggi ni KC na nanliligaw sa kanya ang ex ni Angel Locsin na si Phil Younghusband.
Aktres na salbahe hindi biniyayaan ng anak kahit nag-preserve ng egg
Hindi na talaga umepekto ang pagpapa-alaga sa doctor ng isang aktres. Ginastusan ng aktres na ito ang In Vitro Fertilization (IVF), pero wa epek.
Siya mismo noon ang nagkukuwento na nagpapa-preserve siya ng egg para makabuo nga sila ng baby ng kanyang napangasawa, pero nganga ang aktres. Hindi siya biniyayaan ng anak hanggang ngayon na ang duda ng karamihan ay nagme-menoupause na kaya hindi na ito magkakaanak.
Isinisisi ng iba sa ugali ng aktres ang naging kapalaran niya. Hindi raw kasi ito bagay maging ina dahil kilala itong maldita at walang pasensiya at grabe kung manigaw.
- Latest