Hindi nakapagtaÂtÂÂaka kung malibang man sa Sweet Spring Country Farm niya si ex-Sen. Kiko PangiÂlinan. Napakasaya niya at parang komportabÂleng-komportable nang pasyalan siya nina Kris Aquino at Erich Gonzalez para sa KrisTV sa kanyang farm where he grows organic herbs, plants and trees at raise pigs, chickens, and turkey. Kung ang anak nila ni Sharon Cuneta na si Miguel ay masaya sa kanyang kapaligiran, damay na rin ang mag-asawa.
Naibenta na pala ang bahay nila sa Kamaynilaan para roon na mamalagi sa kanilang farm. Sa nakitang paggalaw ng mga puno sa background, dama mo ang lamig ng simoy ng hangin kahit wala ka roon. In due time, magiging economically viable na ang farm ng mga Pangilinan.
Ngayon pa lang ay nakapagrarasyon na sila ng herbs and vegetables sa mga restaurant, bukod pa sa wala ng problema ang restoran nila na Mesa dahil na sa farm na rin ito dumedepende ng mga gulay, herbs, and meat products.
Walk of Fame ni Kuya Germs, ‘binibili’
Marami sa mga nanood ng mga huling palabas ng Bedazzled 13 sa Club Mwah, Bonifacio Avenue, Mandaluyong City were surprised na makita si German “Kuya Germs†Moreno na hindi ang alaga niyang si Jake Vargas ang kasamang nanood ng show kundi ang dalawa pang kabataang co-hosts niya sa Walang Tulugan with Master Showman na sina Arkin del Rosario at Ken Chan.
Hindi pa siguro maiintriga ang pagsasama ng tatlo, at absence ni Jake, kung hindi lamang nabalitaan na minsan ay ni-resent o hindi minabuti ni Ken ang presence ni Jake sa isang promo show nila ni Bea Binene para sa album nito. ’Yung recording company na naglabas ng album ni Bea decided to invite Jake para mas maging masaya ang kaganapan, not knowing na maaapekÂtuhan ang magiging performance nina Bea at Ken.
Ang maintrigang pagtatagpo ng tatlo ay napigilang ma-blow out of proportion nang humingi ng dispensa si Jake kay Ken na naintindihan naman ang sitwasyon kung bakit ginusto ng record producer na imbitahan si Jake since boyfriend ito ng recording artist nila at makakatulong ito sa promo ng album. Nakalimutan nila na kahit paano ay magkakaro’n ito ng epekto kay Ken. But all’s well that ends well. Nagkabati ang dalawang binata at has since remained friends.
But going back to Kuya Germs being seen with Ken and Arkin, sinabi nito na may nagbenta sa kanya ng tiket para panoorin ang mga nalalabing show ng Follies de Mwah at inimbita niya ang lahat ng mga interesado. Jake had tapings, si John Nite may raket kaya sina Ken, Arkin, at dalawang kaibigan niya from the press ang nakasama niya.
At the finale of the show, tinawag sa stage si Kuya Germs ng producer ng show na si Pocholo Malilin para pasalamatan siya for all his support sa Club Mwah.
He was asked to introduce his companions. He called them sa stage pero si Ken lamang ang tumugon. Dahil artista ito at nakakakanta, Ken was asked to sing. Walang minus ones kaya he sang a capella, one Japanese and one Chinese song, to the delight of the SRO audience na nagandahan sa boses niya at naguwapuhan sa kanya. Masigabong palakpakan anag isinukli nila sa kanyang performance.
After being with Kuya Germs for a few hours habang hinihintay naming masimulan ang Bedazzled 13, nagawa kong batiin ang TV host sa napakagandang set ng kanyang Walang Tulugan. Sinabi nito na personal siyang pumupunta ng Divisoria kasama ang kanyang set designer para bumili ng materyal na ginagamit niya.
At ang gastos ay mula sa sariling bulsa niya. Tulad din ng gastos sa kanyang Eastwood Walk of Fame na solo niyang itinataguyod. Meron daw gustong mag-sponsor sa project pero hindi niya tinanggap dahil ayaw niyang makompromiso ang project at maging ang desisyon niya kung sino ang ilalagay sa lugar.
“Walang obligasyon mula sa lahat na inilagay ko sa Walk of Fame, nandun lang sila batay sa pinaniniwalaan kung na-achieve nila sa kanilang trabaho. Lahat ng gastos ay personal kong ipon. Kailangan lang nilang pumunta sa lugar sa araw na itinakda na pormal na ilalagay ang pangalan nila in marble. Wala silang dapat bayaran from me or anyone else,†sabi ng Master Showman.
One-man band nadiskubre
May bagong mukha na sinimulan nang ipakilala ng MYX TV sa reality show nitong Star Camp. Ito ay si Renzo Vergas, kinikilalang One-Man Band dahil bukod sa kumakanta ito ay isa pa ring songwriter. Marami na itong nagagawang komposisyon sa tulong ng kanyang gitara.
Isinilang sa Antique si Renzo at nagsimulang magpamalas ng kanyang taÂlento sa pagkanta sa gulang na pito. Pero para sa kanila lamang ng kanyang pamilya gustong i-share ni Renzo ang kanyang talent, hindi sa ibang tao. Nung tumuntong na lamang siya ng high school at saka niya naramdaman ang malaÂbis na kagustuhang mag-perform in public. Nanalo siyang Mr. PRISAAP sa isang national competition. Sa kasalukuyan ay miyembro siya ng Ilo-Ilo Models.
Pinaghalong pop, ballad, and rock ang musika ni Renzo na nakita ng isang talent manager sa isang tour na nasamahan ni Renzo kasama ang isang sikat na singer. Isinama siya nito sa Star Records na ay gumawa siya ng recording.