SEEN: Binati kahapon ni Korina Sanchez sa kanyang radio program si Tony Calvento. Magkaibigan ang dalawa.
Si Tony ang nagtanggol kay Korina sa mga batikos na natanggap nito kaugnay sa Anderson Cooper controversy.
SCENE: Hindi na alam nina President Benigno Simeon Aquino III at Secretary Mar Roxas ang lulugaran nila. Imbes na purihin sa kanilang pagresponde at pagpunta sa SM North EDSA na inatake ng Martilyo Gang noong Linggo, mga batikos at bad publicity ang inabot nina BS Aquino at Roxas.
SEEN: Ang pagbisita kahapon ni Dingdong Dantes sa Estancia, Iloilo sa pangalawang pagkakataon.
Tinupad ni Dingdong ang pangako na babalik siya sa Estancia upang ibigay sa mga biktima ng typhoon Yolanda ang mga donasyon na nakalap niya.
SCENE: Kumonsulta si Phoemela Baranda sa isang psychologist para maka-recover siya mula sa malulungkot na nakaraan na epekto ng kanyang pagiging illegitimate daughter.
SEEN: Ni-renew kahapon ni Sarah Geronimo ang exclusive contract niya sa ABS-CBN. Dalawang taon ang bisa ng kontrata na pinirmahan ng Pop Princess.
SCENE: On hold ang showbiz career ni Kobe Paras dahil pupunta na siya sa California, USA dahil sa kanyang basketball scholarship sa Cathedral High, Los Angeles, California.
Malaki ang potensiyal na maging NBA player ang anak nina Jackie Forster at Benjie Paras.
SEEN: Ang balita na si Nora Aunor ang hinirang na bagong National Artist. Hinihintay na lamang ang lagda ni President BS Aquino sa rekomendasyon ng mga opisyal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and Cultural Center of the Philippines (CCP).
SCENE: Nag-retire na si April Boy Regino sa pagkanta dahil sa kanyang prostate cancer. Huling napanood si April Boy sa live guesting niya sa ASAP noong nakaraang buwan.
SEEN: Mas bagay kay Charice ang mahabang buhok at bihis-babae, katulad nang ginawa niya sa ASAP noong Linggo.
Tanggap ng fans ni Charice ang kanyang pagiging tomboy pero hinihiling nila na ibalik niya ang dating hitsura.