Mga empleyado ng TV5 mag-i-strike, pero management may mga ilulunsad na bagong programa
MANILA, Philippines - Nagbanta pala ng strike ang mga empleyado ng TV5 at nag-file na ng notice of strike ang union labor ng kumpanya sa Department of Labor and Employment (DOLE) last Friday.
May kinalaman daw sa collective bargaining agreement (CBA) ang problema.
Pero nagpapatawag ng presscon ng mga TV5 officers para sa announcement ng kanilang mga bagong programa sa 2014.
Meaning hindi naman sila affected sa bantang strike ng kanilang workers.
Lani nag-iba na naman ang hitsura, malayo na sa orig
Ibang Lani Misalucha na ang napanood sa star-studded solidarity concert ng ABS-CBN na pinamagatang Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special na umere last Sunday night.
Hindi na siya ang dating magaling na singer.
At saka bakit kaya hindi na siya gaanong nakakabirit? Naapektuhan na rin kaya sa pagbabago ng kanyang hitsura ang boses niya?
Tuwing bumabalik ng bansa, nag-iiba kasi siya ng mukha.
Anyway, nagsama-sama sa sold-out fundraising concert ang lampas 100 Kapamilya stars na naghanda ng kanilang special production numbers. Ilan sa highlights ng programa ang makaÂtindig-balahibong song numbers ng Kapamilya singers kabilang sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lani Misalucha, Sarah Geronimo at Angeline Quinto. Pero sa kanilang lahat, si Sarah ang pinakamaganda ang suot.
Ang lahat ng kita mula sa Kwento ng Pasko solidarity concert ay ido-donate sa Sagip KapaÂmilya calamity fund ng ABS-CBN Foundation na patuloy na nagbibigay-tulong sa unti-unting pagbangon ng mga nasalanta ng mga kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pedro Calungsod may premiere night sa Manila at Cebu
Hindi lang isa, kundi dalawa ang gaganaping premiere night ng Pedro Calungsod, Batang Martir, isang official entry ng 39th Metro Manila Film Festival. Isa sa Manila at isa sa Cebu City na sinasabing lugar na pinagmulan ni Pedro Calungsod, ang pinakahuling Santong Pinoy.
Ngayong gabi ang premiere night sa SM Megamall at sa Huwebes naman sa Cebu.
Sa Manila premiere ay inaasahang dadalo at rarampa sa red carpet ang buong cast ng nasabing MMFF entry tulad ng main cast na sina Rocco Nacino (bilang Pedro Calungsod), Christian Vazquez (bilang Padre Diego de San Vitores), Robert Correa, Ryan Eigenmann, and Jestoni Alarcon.
Darating rin ang supporting actors na sina Victor Basa, Carlo Gonzalez, Miko Palanca, Arthur Solinap, Jao Mapa, Andrew Schimmer, Mercedes Cabral, Geoff Taylor, at iba pa.
Sa Cebu premiere naman sa Huwebes ay kumpirmadong darating sina Rocco at Christian upang magbigay kasiyahan rin sa mga Cebuanong fans at devotees ni San Pedro Calungsod.
Mula sa panulat at direksiyon ni Francis Villacorta, ang Pedro Calungsod, Batang Martir ay kuwento ng isang binatang Bisaya na katekista noong 1600s, naging martir sa ngalan ng Kristiyanismo.
Makalipas ang 350 years (noong 2012), na-canonize si Calungsod bilang ikalawang Santong Pinoy sa Vatican City, Rome, Italy, kasama ang iba pang santo mula sa buong mundo.
Magbubukas ang epic dramatic-adventure film na ito sa Araw ng Pasko sa mga sinehan.
- Latest