Masaya rin ako na bumalik na from the States ang kumare kong Imelda Papin. Nagsagawa ito ng ilang fund-raising show para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at kapag nakapagpahinga na ito ay pupunta sa mga lugar na napinsala para tumulong ng personal.
’Yan ang mare ko na palagi namang may panaÂhon para sa kanyang mga kababayan. Siya rin ang dahilan kaya maraming nabibigyan ng dialysis treatment sa Quezon City General Hospital na kung saan ay nag-donate siya ng dialysis machine. Mabuhay ka, Mel.
Ang saya ng programa ko sa radyo nung Biyernes ng hapon. Dinalaw ako at kinantahan ng members ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Kahit hindi sila magkasya sa aking napakaliit na booth, mas nakatulong ito para mas maging warm ang pagkikita naming muli ng mga movie writer na naging bahagi ng aking 50 taon bilang artista.
Ang saya!