Medyo tumaba si Tom Rodriguez dahil sa halos isang buwan na US concert tour ng My Husband’s Lover.
Bumalik siya ng Pilipinas pero sandali lang dahil may mga commitment siya na dapat puntahan gaya ng Belo Pink Party ng Belo Medical Clinic noong Biyernes.
Aalis uli si Tom sa darating na Miyerkules. Lilipad siya sa Arizona para makasama sa Pasko at Bagong Taon ang kanyang pamilya.
Pinanood ng pamilya ni Tom ang My Husband’s Lover concert sa California. Napaluha si Tom nang umakyat sa stage ang kanyang mga kamag-anak. Tears of joy ang pumatak dahil sa sobrang kaligayahan ni Tom nang makita niya ang kanyang pamilya.
Dumalo si Dra. Vicki Belo sa Belo Pink Party, kahit kararating lamang niya mula sa Paris, France.
Noong November ang original schedule ng Belo Pink Party pero na-postpone ito dahil sa Typhoon Yolanda. Nagkataon pa na paalis din si Tom para sa concert tour ng My Husband’s Lover cast.
Malaki talaga ang perwisyo na iniwan ni Yolanda. Hindi lamang ang mga residente ng Eastern Visayas ang naapektuhan dahil affected din ang buong Pilipinas.
Kanselado ang mga Christmas party bilang pakikisimpatiya kuno sa mga biktima ng mga kalamidad. Laspag na laspag si Yolanda dahil ito ang ginamit na dahilan ng mga kompanya na matagal nang naghahanap ng butas para makaiwas sa malaking gastos at nag-pralala na magbibigay ng donasyon sa typhoon survivors, kahit hindi naman.
Mabuti pa ang Star Group of Companies, tuloy ang mga Christmas party dahil hindi pumayag si Papa Miguel Belmonte na mawala ang tradisyon ng kanyang kompanya.
Iba ang donasyon na ibinigay ng Star Group of Companies sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng Operation Damayan at may nakalaan na budget si Papa Miguel para sa magkahiwalay na Christmas parties ng Philippine Star, PSN at PM.
Hindi type ni Papa Miguel ang mga drama na kakanselahin ang Christmas party dahil tutulong siya sa iba. Naniniwala si Papa Miguel na charity begins at home kaya alam n’yo na kung bakit good karma ang Star Group of Companies. A million thanks to you, Papa Miguel!!!
Justin Bieber nabura ang mga nega sa pagdalaw sa Tacloban
Nakinabang din si Justin Bieber nang dalawin niya ang Typhoon Yolanda survivors sa Tacloban City noong Martes.
Nabura ng pagbisita ni Justin sa Tacloban ang negative news tungkol sa kanya. Napalitan ng mga papuri at paghanga ang mga batikos dahil sa tulong na ibinigay niya sa mga nasalanta ng baha.
Feel na feel ng fans ni Justin ang pagkakawanggawa ng kanilang idolo na bumiyahe nang malayo para maÂbigyan ng kasiyahan ang mga biktima ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. Sila na ngayon ang nagtatanggol kay Justin kapag may mga bumabatikos sa kanya, tagaÂhanga man niya o hindi.
Pangto-torture sa aktor dinig na dinig ng alalay
Naloka ang alalay ng isang aktor dahil dinig na dinig niya ang mga komento ng mga reporter sa kanyang alaga.
Umirap at tumaas ang kilay ng baklita nang marinig nito ang mga sinasabi ng mga reporter pero wala siyang magawa kundi tiisin ang torture na naranasan.
Dedma ang mga reporter sa umasim na face ng baklitang alalay dahil may katotohanan ang kanilang mga opinyon na hindi mapapantayan ng aktor ang kasikatan ng kanyang kamag-anak na aktor din. Hanggang ngayon, sikat na sikat ang aktor na habang nagkakaedad, lalong gumuguwapo sa paningin ng mga tao.