MANILA, Philippines - Isang matamis na Pasko ang naghihintay sa mga lugar na tinamaan ng trahedya ngayong taon sa Christmas special episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.
Maningning at puno ng pag-asa ang Paskong nagÂhihintay sa mga taga Tacloban kung saan paiilawan ng Wish Ko Lang ang 55 talampakang Christmas Tree.
Bayanihan ang maghahatid ng tunay na diwa ng Pasko dahil bukod sa pagpapailaw ng Christmas tree, hatid din ng Wish Ko Lang ang ang konsiyerto ni Lolita Carbon kasama ang mga bayaning sundalo sa Zamboanga.
Hindi naman magpahuhuli ang mga taga Bohol dahil haharanahin sila ng Loboc Choir.
Tunghayan ang Christmas special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado ng hapon sa GMA7.