^

PSN Showbiz

55ft higanteng Christmas tree, pinailawan ng Wish Ko Lang sa Tacloban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang matamis na Pasko ang naghihintay sa mga lugar na tinamaan ng trahedya ngayong taon sa Christmas special episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Maningning at puno ng pag-asa ang Paskong nag­hihintay sa mga taga Tacloban kung saan paiilawan ng Wish Ko Lang ang 55 talampakang Christmas Tree.

Bayanihan ang maghahatid ng tunay na diwa ng Pasko dahil bukod sa pagpapailaw ng Christmas tree, hatid din ng Wish Ko Lang ang ang konsiyerto ni Lolita Carbon kasama ang mga bayaning sundalo sa Zamboanga.

Hindi naman magpahuhuli ang mga taga Bohol dahil haharanahin sila ng Loboc Choir.

Tunghayan ang Christmas special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado ng hapon sa GMA7.

 

 

 

BAYANIHAN

BOHOL

CHRISTMAS TREE

ISANG

LOBOC CHOIR

LOLITA CARBON

PASKO

SABADO

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with