Hiningi namin ang reaction ni Noel Ferrer, manager ni Ryan Agoncillo, sa nabanggit ng TV5 president na si Noel Lorenzana na ire-relaunch ng network ang Talentadong Pinoy next year. Nang tanungin kung sino ang magho-host sa reality show, wala mang binanggit na pangalan pero ang dating sa press ay si Ryan pa rin ang host ng show.
“Game,†ang sagot ni Noel. Wala raw magiging conflict kung si Ryan uli ang magho-host ng Talentadong Pinoy dahil wala itong exclusive contract sa GMA 7. Also, by the time na umeere na ang Talentadong Pinoy, tapos na ang Picture! Picture! ng Kapuso Network.
If ever ma-extend ang Picture! Picture!, wala pa ring conflict dahil Saturday ang time slot ng Channel 7 game show at baka sa Sunday daw ilagay ang Talentadong Pinoy. Also, by the time na bumalik sa ere ang Talentadong Pinoy, tapos na ang show ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN kaya walang isyu.
Marian nakikipag-negotiate na kay Mother Lily
Nakitang nagmi-meeting sina Mother Lily MonÂteverde at Marian Rivera kahapon ng umaÂga sa Heat Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City. Hindi nabanggit sa amin kung sino ang kasama ni Mother Lily pero si Marian ay kasama ang manager na si Rams David at isa pang taga-Triple A Management.
Mga pelikulang gagawin daw ni MaÂrian sa Regal Entertainment, Inc. at iba pang plano ni Mother Lily sa aktres for 2014 ang pinag-usapan. Ikatutuwa ng fans ng aktres na malamang magiging acÂtive ang kanilang idolo sa paggawa ng movies next year at isa sa request nila’y drama naman daw ang ibigay dahil kundi comedy, rom-com ang mga nagawa nitong pelikula in the past.
Kahit sabi ni Marian ay magko-concentrate muna siya sa taÂping ng soap niyang Carmela, ‘pag may magandang movie offer naman ay tiyak na hindi nito tatanggihan.
Anne trying to stay positive
Hindi na pinakawalan ng TV5 si Jasmine Curtis Smith at hindi na rin hinayaang makalipat dahil nag-renew ng three-year exclusive contract sa kanila ang kung tawagin nila’y “TV5’s Princess.â€
Bibigyan ng project si Jasmine sa hosting, acÂting, at gagawa pa ng pelikula. Host siya ngayon ng Spinnation.PH at magkakaroon ng weekly drama series — Jas-Mine — to be co-produced by Saachi & Saachi na isang ad agency to be directed by Mike Alcarazen.
Gagawa rin ng pelikula si Jasmine sa Studio 5 to be co-produced by Unitel. Excited si Jasmine sa posibilidad na makasama si Nora Aunor sa pelikula at maraming projects na kanyang gagawin. Chance na raw niyang makabawi sa TV5 na naging forgiving noong nasa Australia pa siya.
Natanong si Jasmine sa ate niyang si Anne Curtis at sagot nito, “She’s professional and moving on and she’s trying to stay positive.â€
Anak ni Sid santambak ang ninong at ninang
Bukas na, Sunday, ang dedication ng baby nina Sid Lucero at Bea Lao, drummer ng General Luna na all-female band. Halo Eve ang name ng baby ng couple at maraming godparents ang baby girl ng proud parents.
Kabilang sa godparents ni baby Halo Eve sina Alessandra de Rossi at Dominic Roco na kasama ni Sid sa Magkano Ba ang Pag-ibig? Kasama rin sina Felix Roco, Denise Laurel, ang manager ni Sid na si Ricky Gallardo, at kapatid ng aktor na si Max Eigenmann.
Godparents din ang pinsan ni Sid na sina Geoff Eigenmann at Jaime Rogoff (anak ni Cherie Gil), director Adolf Alix, Jr., Topito Samson, Basti Artadi, GMA executive Mavic TagÂbo, Carlo Ortigas, Nicole LauÂrel Asencio ng General Luna, at Glaiza de Castro na kapaÂreha ni Sid sa historical-docu na KaÂtipunan.
Siyanga pala, last episode na ng Katipunan this Saturday at mapapanood ang pagpaslang kay Bonifacio (Sid) at sa dalawa niyang kapatid sa kamay ng kanyang kapwa Katipon. Pahapyaw kung ituro ang tungkol dito sa mga eskuwelahan pero ipapakita sa Katipunan. Alamin kung paano nagtapos ang buhay ng kauna-unahang namuno sa Pilipinas, 10:15 p.m., sa GMA 7.