Tingnan mo nga itong si Marian Rivera at talaÂgang pinag-isipan kung ano ang ibibigay niyang tulong sa mga biktima ng Yolanda. Nakapagbigay na siya ng cash, mga relief goods, at nakatulong sa personal na pagbibigay nito sa mga kinauukulan. NgaÂyon naman ang pagbibigay ng bangka sa mga mangiÂngisdang ang mga gamit sa kanilang kabuhayan ay sinira ng napakalakas na bagyo ang pagtutuunan niya ng pansin. Sumama siya sa Adopt-A-Bangka project na pinamamatnugutan ng Kapuso Foundation. Aabot P25-P30 thousand ang halaga ng bawat bangka, pero mas matagal itong mapapakinabaÂngan at mas marami ang mabibiyayaan kaya ito muna ang pagkakaabalahan ng aktres. Hindi naman siya mag-iisa rito, ngayon pa lamang ay marami na ang nagpasabi sa kanya na tutulong din sila.
Mabuhay ka, Marian.
Ejay nagpapatawa na rin
Matapos ang napakagandang proyekto niyang Dugong Buhay, sunud-sunod ang mga tinatanggap na proyekto ni Ejay Falcon na humahamon sa kanyang kakayahan. Sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay ipamamalas niya ang kanyang talento sa pagpapatawa. Tama ang unang narinig niyang mas mahirap gumawa ng comedy, pero sa tulong ng mga kasamahan niya sa shooting, lalo na ni Wenn Deramas, nagawa niyang makipagsabayan sa bida ng pelikula na si Vice Ganda.
Sa indie film naman na Saka Saka ay aksyon ang binabanatan niya.
KC inaabangan kung anong ginawa kay ER
Marami ang excited na mapanood ang Boy Golden ni Gov. ER Ejercito. Paano ba naman si KC Concepcion ang leading lady niya. Gustong makita ng manonood kung mai-extend dito ng kabataang aktres ang galing na namalas sa kanya sa serye niyang Kung Mawawala Ka. Kontrabida siya dun na talagang tsinallenge siya para magbigay ng magandang performance, pero rito sa Boy Golden ay bida siya, will she be able to deliver, too? AbaÂngan natin.