As usual, ako ang early bird kahapon sa meaningful Christmas lunch for the press ng GMA 7 na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center.
Ang balita na pinabababa ng COMELEC sa puwesto si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at ibang local officials dahil hindi sila nag-submit ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures.
Marami ang nabigla dahil ano na lang ang mangÂyayari sa ating bansa kapag bumaba sa puwesto ang 400 local officials?
Siyempre hindi naman papayag ang mga Batangueño na iwanan sila ni Mama Vi na maganda ang pagpapatakbo sa proÂbinsiya ng Batangas mula nang maupo siya sa puwesto.
Kasama rin sa listahan ng mga pinabababa sa puwesto sina Laguna Governor ER Ejercito at House Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Haharap si Papa ER sa entertainment press sa susunod na linggo dahil sa Boy Golden, ang pelikula niya na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival. Asahan natin ang pagsasalita ni Papa ER tungkol sa bagong pagsubok sa kanyang political career.
Alden walang ipinagbago
Nakita ko kahapon si Alden Richards sa parking lot ng GMA 7. Hindi ko agad nakilala si Alden dahil nagpakulay siya ng buhok para sa role niya sa Carmela, ang teleserye ng Kapuso Network na pagtatambalan nila ni Marian Rivera.
Ngayon ang unang araw ng taping ni Alden para sa Carmela. Hindi na siya mahihirapan na umuwi sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna dahil may half way house na siya sa Eastwood Libis. Kasama ni Alden sa condo niya sa Eastwood ang kanyang lola at mga kapatid.
Kapag hindi busy ang kanyang schedule, umuuwi si Alden sa bahay na nireÂrentahan niya na malapit sa Enchanted Kingdom. Iniwanan muna ni Alden ang old house nila sa Sta. Rosa na lumubog sa baha. One year lang naman ang kontrata ni Alden sa fully-furnished house na malapit sa Enchanted Kingdom na inuupahan niya.
Hindi ko naramdaman na nagbago ang ugali ni Alden mula nang sumikat. Humble at magalang pa rin siya.
Nanette Medved bossing na sa kumpanya ng asawa
Kausap ko kahapon sa telepono si Nanette Medved. Pinasalamatan ko siya sa mga Hope in a Bottle na ipinadala niya sa amin ni Papa Joey de Leon.
May posisyon na si Nanette sa family owned company ng kanyang asawa. May karapatan si Nanette na maging bossing dahil magagamit niya ang kanyang pinag-aralan sa Babson College sa Massachusetts, USA.
Project ni Nanette ang Hope in a Bottle. Bahagi ng kikitain ng bottled water ay mapupunta sa mga school na ipagagawa ng kanilang foundation. Hindi lamang mga classroom ang project ni Nanette. Nagpadala rin siya ng libu-libong kahon ng Hope in a Bottle sa mga nasalanta ng typhoon Yolanda.
Isa si Nanette sa mga dating artista na naging successful dahil tinapos niya ang kanyang pag-aaral. Kahit noong kasikatan niya, ipinagpatuloy ni Nanette ang pag-aaral sa College of St. Benilde bago siya nag-decide na mag-enroll sa Babson College.